Isang miyembro ng Dawlah Islamiyah, arestado
Nahuli ng PNP-SAF ang isang miyembro ng Dawlah Islamiyah – Hasssan group matapos ang ginawang counter terrorism operation ng mga otoridad.
Samantala, pumanaw na ang isang SAF trooper na kasama sa operasyon sa Tawi-Tawi.
3
views
Land reclamation sa Manila Bay, muling iginiit na nakababahala
Namahagi ng backhoe ang Department of Environment and Natural Resources o DENR para sa pagtanggal ng mga basura na posibleng maging dahilan ng pagbaha sa mga komunidad na nakapalibot sa Manila Bay.
Pero sa kabila nito ay ipinaalala ng ilang senador na mas nakababahala pa rin na magdulot ng pagtaas sa lebel ng tubig ang nagpapatuloy na land reclamation project sa lugar na aprubado din naman ng DENR.
1
view
Pagtaas ng Covid-19 cases, pinangangambahan na rin ng mga pasahero sa NAIA
Dahil sa naiulat na bahagyang pagtaas ng mga kaso ng Covid-19 sa bansa, tiniyak ng Department of Health na hindi ito sapat na basehan upang magpatupad ng travel restrictions.
Gayunpaman, hindi pa rin maiiwasan ng ibang mga pasahero at ng mga kawani sa Ninoy Aquino International Airport ang magsuot ng face mask bilang proteksyon laban sa sakit.
2
views
Nararanasang heat index, magpapatuloy pa rin kahit nagdeklara na ng panahon ng tag-ulan
Magpapatuloy pa rin ang nararanasang heat index kahit nagdeklara na ng panahon ng tag-ulan ayon sa DOST-PAGASA.
Samantala, nasa labing tatlo hanggang labing walong mga bagyo naman ang inaasahang pumasok sa bansa ngayong 2024.
1
view
Calendar of activities para sa 2025 elections, inilabas na ng ComElec
Inilabas na ng ComElec ang calendar of activities para sa 2025 midterm elections na dapat tandaan ng mga tatakbong kandidato at mga boboto.
1
view
DSWD sa Kamara: Dapat nang maisabatas ang KALAHI Program na tumutulong sa mga komunidad sa kanayunan
Nananawagan ang Department of Social Welfare and Development sa Kamara na pansinin naman ang matagal nang hiling na maisabatas ang Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan-Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services o KALAHI Program na tumutulong sa mga komunidad sa kanayunan.
Sabi ng DSWD, huwag na sanang hintayin pa ng mga mambabatas na mahinto ang programa na siguradong magpapahirap lalo sa mga kababayan natin sa malalayo't liblib na probinsya.
3
views
Davao City, kinubkob umano ng Marcos admin
Isang dating opisyal ng Duterte administration ang naglabas ng kaniyang sama ng loob dahil sa mala awtoritaryanismong hakbang ng kasalukuyang administrasyon sa Davao City.
2
views
Pilipinas-Brunei, lumagda ng kasunduan para mapalakas ang turismo
Inaasahan na magkakaroon ng malakas na kooperasyon sa pagitan ng Pilipinas at Brunei kasunod ng paglalagda ng isang kasunduan.
3
views
Bamban Mayor Alice Guo, dapat ma-expel sa National People's Coalition −Sen. Gatchalian
Dahil sa mga umano'y kinasasangkutang isyu ni Bamban Mayor Alice Guo, ay sinabi ni Senator Sherwin Gatchalian na dapat nang ma-expel sa kanilang partido ang alkalde.
Kaugnay niya'y suportado rin ng dalawang Manila congressmen ang panukala ni Gatchalian na ipasara na ang mga POGO sa bansa.
2
views
Pulis, sundalo nahuling rumaraket sa illegal escort service
Isang pulis at isang ex-Army ang inaresto nang maaktuhan ang mga ito na rumaraket bilang police escort sa isang luxury car sa Paranaque City nitong kamakalawa ng hapon.
2
views
Presyo ng imported na bigas, posibleng bumaba sa P4-P5 kung babawasan ang taripa nito −DA
Pinalagan ng mga nasa sektor ng agrikultura ang nais ng finance department chief na bawasan pa ang taripa na ipinapataw sa mga imported agricultural product partikular ang bigas. mas tatamarin na raw ang mga magsasaka na magtanim na maaaring ikabagsak ng sektor.
Pero, ayon sa Department of Agriculture, posibleng mas bababa pa raw ang presyo ng imported na bigas sa merkado kung sakaling maaprubahan ang naturang panukala.
1
view
NFA, tiniyak na sapat ang suplay ng bigas sa pagpasok ng La Ñina
Walang dapat ikabahala ang publiko sa suplay ng bigas sa panahon ng La Ñina ayon sa National Food Authority o NFA.
1
view
Mataas na insidente ng child labor sa Mindanao, nananatiling hamon −DOLE
Patuloy ang ginagawang pamamaraan ng Department of Labor and Employment upang maibsan ang mataas na kaso ng child labor sa Pilipinas.
Aminado ang DOLE na nananatiling malaking hamon ito sa kanila lalo't sa iba't ibang bahagi ng mindanao ang may mataas na bilang ng child labor.
3
views
Lider ng Abu Sayyaf, nasawi sa engkwentro sa Tawi-Tawi
Nasawi ang isang lider ng Abu Sayyaf group matapos itong manlaban sa mga otoridad na magsisilbi lang sana ng warrant of arrest.
Ang nasabing lider nahaharap sa patong-patong na kaso.
1
view
Pilipinas, dapat maging handa sa pagdagsa ng mga turistang Muslim sa bansa −Ekonomista
Kasunod ng pagbisita ni pang. Marcos Jr. sa Brunei kung saan isa sa mga agenda nito ay ang paglagda ng kasunduan para mapalago pa ang ating tourism cooperation sa Brunei.
Pero ayon sa isang ekonomista, dapat maging handa ang Pilipinas sakaling dumagsa man ang mga turistang Muslim sa bansa.
1
view
Mga mangingisda, hindi dapat matakot sa fishing ban ng China −AFP
Muling nanindigan ang Armed Forces of the Philippines na iligal ang mga ginagawa ng China sa West Philippine Sea.
Kasunod ito ng bagong pahayag ng China na magpapatupad ito ng fishing ban sa mga pinag-aagawang teritoryo.
1
view
Kapangyarihang mag-import ng bigas, ipinagkaloob sa Department of Agriculture
Nasunod ang kagustuhan ng Senado na sa kagawaran ng agrikultura na lamang ipagkaloob ang kapangyarihan na makapag-angkat ng bigas.
Ito ay sa kabila ng panawagan sa Kamara na ibalik na lamang ang nasabing kapangyarihan sa National Food Authority sa pamamagitan ng pag-amyenda ng Rice Tariffication Law.
3
views
4 sa "Solid 7" Senators, kino-konsiderang lumipat sa minorya
Sa gitna nang alitan sa pagitan ng mga senador ay nanawagan ng pag-move-on si dating Senador Joel Villanueva.
Pero kasabay nito ay sinabi niya rin na karamihan sa tinaguriang 'solid seven' senators ay kino-konsidera nang lumipat sa minority bloc ng senado.
Panunupil sa peace rally, pwedeng mag-udyok ng marahas na underground movement
Dahil sa patuloy na panggigipit ng kasalukuyang administrasyon sa mga isinasagawang peace rally, posible umanong mauwi ito sa underground movement para maipahatid ang hinaing ng taumbayan sa pamahalaan.
3
views
PNP, nagpaliwanag kasunod ng pagtanggal sa 35 pulis ng DCPO
Nagpaliwanag na ang Philippine National Police kaugnay ng biglaang pagsibak sa 35 PNP personnel ng Davao City Police Office o DCPO dahil sa umano’y war on drugs campaign ng Duterte administration sa lungsod.
Si Mayor Baste naman, kinondena ang ginawa ng PNP at umaasang hindi pulitika ang puno't dulo nito.
1
view
Pagbibigay ng pension at benepisyo sa mga Army personnel mas pinabilis −PA
Siniguro ng Philippine Army na hindi masasayang ang sakripisyo ng mga Army personnel sa pamamagitan ng mas mabilis na pagbibigay ng pension at benepisyo sa mga sugatan at nasawing sundalo.
Sa panahon ni FPRRD, mas payapa dahil hindi agresibo ang China ayon sa mga mangingisda sa Zambales
Sa gitna ng nagpapatuloy na girian sa pagitan ng Pilipinas at China sa pinag-aagawang mga teritoryo sa West Philippine Sea ay naglabas ng saloobin ang isang grupo ng mga mangingisda sa lalawigan ng Zambales.
Kumusta na ba sila? at – ano na nga ba ang sitwasyon sa karagatan ngayon kung ikukumpara noong Duterte administration?
1
view
Ilang Manila Congressmen, may agam-agam sa panukalang i-ban ang Tiktok app
Para sa ilang Manila congressmen, dapat munang pag-aralan ang panukalang i-ban ang Tiktok app lalo pat source of income din ito ng mga Filipino influence. Samantala, ilang mga Manila Congressmen na bomoto ng "no" sa divorce bill, nagpaliwanag.
Mambabatas, may babala sa agri smugglers, hoarders
Naniniwala ang AGAP Partylist na magiging katapusan na ng mga smuggler, hoarder, profiteer at ng kartel kapag tuluyan na ngang maisabatas ang anti-agricultural economic sabotage bill.
2
views
Mahigit 200 barangay, nakaranas ng hagupit ng bagyong Aghon
Inalis na ng PAGASA ang lahat ng tropical cyclone wind signal kasabay ng paghina ng bagyong Aghon habang papalayo ng Pilipinas. yun lang at bago tuluyang humina ang bagyo ay nag-iwan naman ito ng mga pinsala, kabilang na ang isang kumpirmadong nasawi ayon sa NDRRMC.