TRESPASSING OR NOT?

1 year ago
4

Pagpasok Sa Ibang Bahay Upang Pigilan Ang Krimen,
Maituturing Ba o Hindi Na Trespassing

Dear Atty. Cuenco,

Isang araw ay nakarinig ako ng kaguluhan at nakita ko ang aking kaibigan na binubugbog ng kanyang asawa. Sa kabutihang-palad ay nakabukas ang pintuan ng kanilang bahay nang magmadali ako roon upang pigilan ang kanyang asawa at agad na dalhin ang aking kaibigan sa ospital para magpagamot. Nagalit ang kanyang asawa sa aking ginawa at pinagbantaan akong sasampahan ng kasong trespassing. Maituturing ba na trespassing ang aking ginawa? – Jonas

Dear Jonas,

Ang sagot sa inyong katanungan ay matatagpuan sa Article 280 ng Revised Penal Code of the Philippines, as amended by Republic Act No. 10951, kung saan nakasaad na:

“Art. 280. Qualified trespass to dwelling. Any private person who shall enter the dwelling of another against the latter’s will, shall be punished by arresto mayor and a fine not exceeding Two hundred thousand pesos (₱200,000).
xxx
The provision of this article shall not be applicable to any person who shall enter another’s dwelling for the purpose of preventing some serious harm to himself, the occupants of the dwelling, or a third person, nor shall it be applicable to any person who shall enter a dwelling for the purpose of rendering some service to humanity or justice, nor to anyone who shall enter cafes, taverns, inn, and other public houses, while the same are open. ” (Binigyang-diin)

Nakasaad sa nasabing artikulo na hindi saklaw ng krimen na trespassing ang sinumang tao na papasok sa tirahan ng ibang tao na may hangarin na pigilan ang malubhang pinsala sa kanyang sarili, sa mga naninirahan sa tahanan, o sa ibang tao.

Malinaw na sinasabi ng ating batas na hindi maituturing na trespassing ang inyong ginawa dahil ang hangarin ninyo sa pagpasok sa bahay ng inyong kaibigan ay upang pigilan ang pambubugbog ng kanyang asawa at agad siyang isugod sa ospital para magpagamot.

513E

Loading comments...