Premium Only Content

RENTAL LAW
Batas sa Paupahan
Dear Atty. Cuenco,
Ako ay na-ngungupahan sa isang apartment. Nais ko sa-nang magtanong kung mayroon bang batas na sinusunod sa bahay-paupahan, kasi po ang may-ari ng tinutuluyan namin ngayon ay basta-basta lang magdeklara ng presyo sa upahan ng apartment. Kung may batas man tungkol dito, ano po ang batayan sa mga room for rent o apartment for rent kung magtaas man sila? Kasi ang liit ng tinutuluyan namin tapos ang presyo katulad sa isang two-storey apartment. Nais ko lang malinawan po. Maraming salamat po. More power. God bless you. - Jam
Dear Jam,
MAY BATAS na pumapatungkol at sumasakop sa mga paupahan na ginagamit bilang tirahan at sa pagpapatupad ng pagtataas sa renta para sa pagtira sa mga ito. Ang batas na ito ay ang Republic Act No. 9653 o ang Rent Control Act of 2009. Ayon sa nasabing batas, sinasakop nito ang pagpapa-upa sa mga residential units na binigyang kahulagan sa nasabing batas bilang “an apartment, house and/or land on which another’s dwelling is located and used for residential purposes and shall include not only buildings, part or units thereof used solely as dwelling places, boarding houses, dormitories, rooms and bedspaces offered for rent by their owners, except motels, motel rooms, hotels, hotel rooms, but also those used for home industries, retail stores or other business purposes if the owner thereof and his or her family actually live therein and use it principally for dwelling purposes.” [Section 3(b)] Malinaw sa nakasaad na sakop ang mga paupahang kuwarto o kahit bedspace sa naturang batas, basta ito ay inu-upahan upang tirahan.
Ayon din sa R.A. No. 9653, hindi maaaring magtaas ng renta ang nagpapaupa sa loob ng isang taon. Samakatuwid, maaari lamang magtaas ng sinisingil na renta ang mga nagpapaupa pagkalipas ng isang taon ng pagtira ng nangungupahan. Gayunpaman, kahit maaari nang magtaas ng sinisingil na upa pagkalipas ng isang (1) taon, hanggang pitong porsyento (7%) lamang ang maaaring ipataw na pagtaas ng nagpapaupa. (Section 4) Ngunit may karapatan naman ang nagpapaupa, bilang may-ari, na itakda ang halaga ng upa o renta sa simula ng kasunduan o kontrata ng mga bagong uupa.
Ang paglabag sa mga itinakda ng nabanggit na batas ay may kaakibat na parusang pagkakakulong nang mula isang (1) buwan at isang (1) araw hanggang sa anim (6) na buwan at pagbabayad ng fine na hindi bababa sa halagang dalawapu’t limang libong piso (P25,000.00) at hindi tataas sa limampung libong piso (P50,000.00). (Section 13)
Batas Paupahan
P141C
-
LIVE
Behunted
5 hours agoITS HOT HOT WARZONE MAYHEM !! PEW PEW
31 watching -
58:49
Tactical Advisor
4 hours agoUnboxing Tacpack/New 1854 Lever Action | Vault Room Live Stream 029
80.3K7 -
LIVE
Mossy
3 hours ago🔥RumbleCraftSMP🔥sesh time tap in🔥DUCKY IS ON??🔥#RumbleTakeover🔥
22 watching -
1:14:49
Mike Rowe
21 hours agoDavid Mamet Pulls No Punches When It Comes To Hollywood & Politics | #440 | The Way I Heard It
53.2K26 -
4:11:56
Beyond_Bitz
3 days agoMetal Gear Solid 2 - Part 4 - Finale
4.9K -
LIVE
ttvglamourx
5 hours ago $2.66 earnedPLAYING WITH VIEWERS !DISCORD
107 watching -
15:19
T-SPLY
19 hours agoMayor Busted: Nashville Mayor Not Concerned Over Leaking Federal Agents Information!
39K101 -
14:05
Mrgunsngear
6 hours ago $2.95 earnedHolosun 507 Comp Review: The Best Pistol Optic?
28.2K7 -
4:15:39
MDGgamin
7 hours ago🔴LIVE - Wake Up Stream Repeat!! - Variety of Games & Chatting - #RumbleTakeover
21K -
3:54:39
rosssims
4 hours agoFOR SUPER EARTH! 💥 Simsy's Helldivers 2 Galactic War | Live Today ‽ ‽ ‽ 6/21/2025
23.6K1