PAGTANGGAL NG MGA UMUSLING HALAMAN

1 year ago
92

Ang Kapitbahay Na Ipabunot Ang Mga Pananim Na Nakapapasok Sa Kanyang Bakuran

Dear Atty. Cuenco,

Nagtanim ako ng puno sa tabi mismo ng bakuran ng aking kapitbahay. Nais ng aking kapitbahay na mabunot ang nasabing puno dahil ang mga ugat nito ay papasok umano sa kanyang bakuran. May karapatan ba siyang hilingin na mabunot ang nasabing puno kahit nakatanim ito sa loob ng aking lupain? – Jules

Dear Jules,

Ang sagot sa inyong katanungan ay matatagpuan sa Article 679 ng Civil Code of the Philippines, kung saan nakasaad na:

“Article. 679. No trees shall be planted near a tenement or piece of land belonging to another except at the distance authorized by the ordinances or customs of the place, and in the absence thereof, at a distance of at least two meters from the dividing line of the estates if tall trees are planted and at a distance of at least fifty centimeters if shrubs or small trees are planted.

Every land owner shall have the right to demand that trees hereafter planted at a shorter distance from his land or tenement be uprooted.

The provisions of this article also apply to trees which have grown spontaneously.” (Binigyang-diin)

Batay sa nabanggit, ang may-ari ng katabing lupa ay may karapatan na hilingin na mabunot ang mga punong nakatanim sa mas maikling distansiya mula sa kanyang lupa kung hindi ito naaayon sa mga ordinansa o kaugalian ng lugar, at sa kawalan nito, sa distansya na hindi bababa sa dalawang metro mula sa hangganan ng mga lupain kung matataas na puno ang nakatanim at sa distansiya na hindi bababa sa 50-sentimetro kung maliliit na puno ang nakatanim. Samakatuwid, ang inyong kapitbahay ay may karapatan na hilingin na mabunot ang puno sa inyong lupain dahil itinanim ninyo ito sa tabi mismo ng kanyang bakuran at hindi alinsunod sa distansiyang itinakda ng nasabing batas.

P247E

Loading 1 comment...