Halloween 2019 at Eastwood City - Gabi Ng Lagim

5 years ago
5

Kung sa akala niyo ay Pasko na agad, may Halloween pa, mga teh! Ang sama ko pero natatawa/natutuwa akong makakita ng mga sumisigaw at napapatakbo sa takot. Hindi kasi ako madaling takutin.

Nung highschool ako, nagpanggap akong sinapian. Hindi ako nag-wala or something katulad nung mga echoserang estudyante sa mga public school. Wala kasing nababalitang sinapian sa private school so ako nalang ang nag-volunteer.

Para mas authentic, tumambay ako sa isang abandonadong bodega sa taas ng church for 2 hours. Take note, yun ang kwartong kinatatakutan ng lahat. As in nakatayo lang ako dun at naghihintay na may dumaan. Effective naman kasi kumalat ang balita over the weekend. Pagdating ng Monday, takot na sila sa akin. Pero inamin ko rin naman na echos lang iyon so balik normal ang lahat.

Anyway, Eastwood City nga pala ang pinag-uusapan. So watch niyo nalang ito kasi pagod nako sa kakawento ko tungkol sa highschool life ko kahit wala namang connect dito. Yun lang. Enjoy!

_______________________________________________________

Now that Pasosyal101 is earning from your views, we will be funding our regular giveaways with our YouTube earnings so keep watching those ads!

If you want us to feature fancier stuff, you can support us by being a sponsor through Patreon: https://www.patreon.com/pasosyal101

YouTube: http://www.youtube.com/c/Pasosyal101
Facebook: https://www.facebook.com/pasosyal101/
Instagram: https://www.instagram.com/pasosyal_101/
Email: pasosyal101@gmail.com
Patreon: https://www.patreon.com/pasosyal101

#Pasosyal101 #GabiNgLagim #EastwoodCity

Loading comments...