Sedating & Grooming An EXTREMELY MATTED Aggressive Dog

2 years ago
356

Si Chowder ang isa sa mga matatandang aso dito. Lumaki siya sa loob ng cage dahil mejo may sumpong siya na siya lang ang nakaka-intindi. Nung minsang sinubukan namin na ipa-groom siya nung mejo bagets pa siya, muntik nang lapain yung groomer at yung amo niya. Yes, kahit yung amo niya, kinagat-kagat niya. Na-trauma sa groomer dahil sinakluban ba naman ng tuwalya si Chowder. Aba kahit ako, mato-trauma sa kanya! So simula nun, hindi na siya napa-groom dahil buwis-buhay ang mga eksena. Napapaliguan naman siya kahit papano kaso syempre, humahaba ang buhok niya so nagbubuhol-buhol na at nagiging makapal na rug. Kahit garapata, hindi na pumupunta sa loob ng balahibo niya dahil sobrang init ng balat ni Chowder malamang. Kung magugupitan naman siya, pakonti-konti lang kasi nga, may attitude.

Mabuti nalang at may nahanap kaming vet na willing mag-sedate kay Chowder sa Ultra Pet Clinic malapit sa Ultra (PhilSports Complex). Yung iba kasi, ayaw mag-sedate kasi baka daw hindi na magising si Chowder dahil mejo matanda na. So pinag-fasting muna si Chowder ng 10-12 hours at kinabukasan, dumating na ang vet kasama ang mister niya at ang dalawang groomers. Mabilis at professional sila kaya madaling natanggalan ng balahibo si Chowder habang lasing sa gamot. Hindi siya totally pinatulog para daw safe at siguradong magigising pa.

Total bill is around 8k. Sulit na rin kasi home service siya, may mga blood tests, sedation, grooming at wound treatment.

**********************************

If you want us to feature something else, let us know. Pasosyal101 will be funding the regular giveaways with our YouTube earnings so keep watching those ads!

Feeling generous today? If you enjoyed this video, show some love.
Magpa-Gcash ka naman jan!
09684186765

Ay na-send! Charot!

****************************
YouTube: http://www.youtube.com/c/Pasosyal101
Facebook: https://www.facebook.com/pasosyal101/
Instagram: https://www.instagram.com/pasosyal_101/
Email: sirenspeaks@gmail.com
Patreon: https://www.patreon.com/pasosyal101
****************************

Grooming An EXTREMELY MATTED Aggressive Dog

#Pasosyal101 #MattedDog #AggressiveDog

Loading comments...