My Starbucks Stainless Steel Mug Collection

3 years ago
39

2019 ako nag-start mag-collect ng Starbucks stainless steel mugs. Yung naka-sale na red Christmas mug ang unang-una kong nabili for p696 sa Starbucks Libis na malapit sa AllDay Supermarket. Ngayon, wala nang mabibili na ganun kamura. Hindi rin ganung kadalas maglabas ng stainless steel mugs ang Starbucks worldwide kaya mejo mahirap siyang i-collect. Konti lang din ang nagko-collect ng ganitong klaseng mug unlike yung mga tumblers.

Karamihan ng mugs na nabili ko ay galing sa Japan, China, Taiwan at South Korea. Meron din from Hong Kong, Malaysia, UK, USA and Dubai. Ang halaga ng mga mugs na ito ay mula 2k -4k each. Hindi pa kasama ang shipping fee sa presyong yun kaya mejo magastos siya sa totoo lang. May ilang fake na kamukha pero halata naman kasi printed lang logo sa kanila. Kadalasan, embossed sa mug mismo ang logo ng original na Starbucks stainless steel mugs.

Sa ngayon, naghihinay-hinay muna ako sa paghahanap ng mga kulang kong mugs sa collection ko kasi magastos talaga siya. Mejo hindi pasok sa budget sa ngayon at may mga bagay na mas dapat unahin. Kapag nakaluwag-luwag na, sisimulan ko ulit maghanap ng mga kulang na mugs sa collection ko.

**********************************

If you want us to feature something else, let us know. Pasosyal101 will be funding the regular giveaways with our YouTube earnings so keep watching those ads!

Feeling generous today? If you enjoyed this video, show some love.
Magpa-Gcash ka naman jan!
09684186765

Ay na-send! Charot!

****************************
YouTube: http://www.youtube.com/c/Pasosyal101
Facebook: https://www.facebook.com/pasosyal101/
Instagram: https://www.instagram.com/pasosyal_101/
Email: sirenspeaks@gmail.com
Patreon: https://www.patreon.com/pasosyal101
****************************

#Pasosyal101 #StarbucksCollection #StarbucksPhilippines

Loading comments...