IKEA Pop-Up at SM Megamall

2 years ago
5

Ito na ang sign na hinihingi mo para palitan ang lampshade mo sa kwarto na pang "The Conjuring" na sa kaka-patay-sindi sa tuwing papatak ang alas tres ng madaling araw. Pero wait lang! Bago mo itapon yang lampshade mong pang-horror, tiis-tiis ka muna ng konti kasi practice lang pala ito. Pop-Up event lang siya ng IKEA dahil wala pang eksaktong date kung kailan sila magbubukas sa Pasay. Kumbaga, showcase lang ito ng mga presyo ng ilang items nila para hindi ka mabigla kapag andun ka na sa actual store kapag nag-open na sila.

May mga mura at may mga mahal din so mejo simulan niyo na mag-ipon para naman mabigyan ng hustisya ang pagpupuyat niyo nung July 7, 2021. Naka-ilang libong refresh at fill-out ka ba ng online membership form bago ka nakapag-register sa loyalty club ng IKEA? Sa totoo lang, 12mn-4am ako bago nakapag-register. Balita ko, inabot ng more than 6 hours yung iba dahil nag-crash ang website ng IKEA Philippines nung araw na yun. Eh magpa-raffle ba naman sila ng 5 IKEA home makeover packages worth P50,000 each, diba? 5 winners yun! Hindi pa kasama yung 10 winners of IKEA shopping spree worth P5,000 each. So ano? Game ka na ba?

**********************************

If you want us to feature something else, let us know. Pasosyal101 will be funding the regular giveaways with our YouTube earnings so keep watching those ads!

Feeling generous today? If you enjoyed this video, show some love.
Magpa-Gcash ka naman jan!
09684186765

Ay na-send! Charot!

****************************
YouTube: http://www.youtube.com/c/Pasosyal101
Facebook: https://www.facebook.com/pasosyal101/
Instagram: https://www.instagram.com/pasosyal_101/
Email: sirenspeaks@gmail.com
Patreon: https://www.patreon.com/pasosyal101
****************************

#Pasosyal101 #IKEAPhilippines #IKEA #SMmegamall

Loading comments...