JANUARY 30, 2022 PastorB.

2 years ago
6

Acts 2:17
‘Ito ang gagawin ko sa mga huling araw,’ sabi ng Diyos,
‘Ibubuhos ko ang aking Espiritu sa lahat ng tao;
ipahahayag ng inyong mga anak na lalaki at babae ang aking mensahe.
Ang inyong mga kabataang lalaki ay makakakita ng mga pangitain,
at ang inyong matatandang lalaki ay magkakaroon ng mga panaginip.

Job 33:15,16a
Nagsasalita siya sa panaginip at pangitain,
sa kalaliman ng gabi, kapag ang tao'y nahihimbing.
Ipinapaunawa niya ang kanyang saloobin,

Habakkuk 2:2,3
Ito ang tugon ni Yahweh:
“Isulat mo nang malinaw sa mga tapyas ng bato
ang pangitaing ipahahayag ko sa iyo,
upang sa isang sulyap ay mabasa agad at maipabatid ito.
Isulat mo ito sapagkat hindi pa panahon upang ito ay maganap.
Ngunit mabilis na lilipas ang panahon,
at mangyayari ang ipinakita ko sa iyo.
Bagama't parang mabagal ito, hintayin mo.
Tiyak na mangyayari at hindi maaantala ito.

Acts 21
7 Mula sa Tiro, nagpatuloy kami ng paglalakbay at nakarating kami sa Tolemaida. Kinumusta namin ang mga kapatid at tumigil kami doon nang isang araw.
8 Kinabukasan, tumuloy kami sa Cesarea sa bahay ng ebanghelistang si Felipe, isa sa pitong lalaking hinirang noong una sa Jerusalem.
9 Siya'y may apat na anak na dalaga na pawang mga propeta.
10 Makalipas ang ilang araw, dumating mula sa Judea ang isang propetang ang pangala'y Agabo.
11 Pinuntahan niya kami, kinuha ang pamigkis ni Pablo at ginapos ang sariling paa at kamay. Sabi niya, “Ito ang sabi ng Espiritu Santo, ‘Ganito gagapusin ng mga Judio sa Jerusalem ang may-ari ng pamigkis na ito, at siya'y ibibigay sa kamay ng mga Hentil.’”
12 Pagkarinig nito, kami naman at ang mga tagaroon ay nakiusap kay Pablo na huwag na siyang pumunta sa Jerusalem.
13 Ngunit sumagot siya, “Ano ang ginagawa ninyo? Sa pag-iyak ninyong iyan ay dinudurog ninyo ang aking puso. Handa ako, hindi lamang magpagapos, kundi kahit mamatay doon sa Jerusalem alang-alang sa pangalan ng Panginoong Jesus.”
14 Tumigil na kami nang hindi namin siya mapigilan. Nasabi na lamang namin, “Masunod ang kalooban ng Panginoon.”

Loading comments...