Augmented Reality - SM Megamall Mega And Bright Christmas Display 2021

2 years ago
4

Pokemon Go pa ang huling AR experience ko kaya mejo naaliw ako sa AR Christmas Display ng SM Megamall ngayong taon. Sa mga hindi familiar sa AR, ang ibig-sabihin nito ay Augmented Reality kung saan smartphone lang ang kailangan mo para ma-experience ito. Iba ito sa VR or Virtual Reality na kung saan kailangan pa ng VR headset para lang ma-experience mo ang effect. Humahalo sa tunay na buhay ang AR display ng SM Megamall! Talaga namang pinag-isipan at ginastusan kaya hindi basta-basta.

Itinaon talaga nila sa pagluluwag ng alert level sa Metro Manila ngayong ber months. Kung mejo suswertihin pa tayo, baka mag-alert level 1 pa sa December. Sana naman huwag itong maging simula ng panibagong pagtaas ng mga kaso ng lagim pagdating ng January 2022. Sana matuto na tayo dahil halos 2 years na tayong ganito. Hindi pa ba kayo nau-umay sa amoy ng face mask niyo? Sana alisin na rin ang face shield kasi parang AR na yung iba sa sobrang dumi sa totoo lang.

Anyway, try niyong i-experience itong AR Display ng SM at the comfort of your own home. May screenshots ng AR markers na akong nilagay sa video para isa-scan niyo nalang gamit ang camera ng isa pang smartphone. Basta may friend ka na may smartphone, kayang-kaya niyo nang gawin ito. Try niyo na, dali! Maa-aliw din kayo for sure!

**********************************

If you want us to feature something else, let us know. Pasosyal101 will be funding the regular giveaways with our YouTube earnings so keep watching those ads!

Feeling generous today? If you enjoyed this video, show some love.
Magpa-Gcash ka naman jan!
09684186765

Ay na-send! Charot!

****************************
YouTube: http://www.youtube.com/c/Pasosyal101
Facebook: https://www.facebook.com/pasosyal101/
Instagram: https://www.instagram.com/pasosyal_101/
Email: sirenspeaks@gmail.com
Patreon: https://www.patreon.com/pasosyal101
****************************

#Pasosyal101 #MegaAndBright2021 #ChristmaSayaAtSM

Loading comments...