NOW OPEN: IKEA Philippines Swedish Restaurant

3 years ago
6

Isa sa mga talaga namang inaabangan ay ang pagbubukas ng kauna-unahang IKEA dito sa Pilipinas. At syempre, hindi kumpleto kung hindi matitikman ang Swedish meatballs. Pinilahan at inabangan ng lahat ang makatikim nito at sa tingin ko, hindi naman kami nabigo sa inaasahan.

Sa unang kagat, biglang pumasok sa isip ko ang Jollibee burger steak pero mas masarap at mas hindi nakakaumay na version nito. Yung mga sumunod na kagat, mejo nawala na ang unang impression na iyon. Napalitan na ng pagkakuntento dahil sa wakas, natikman ko na rin ang pinag-uusapang Swedish meatballs.

Sa sobrang excitement, mejo napasobra din ang nabili namin kaya marami ang natira. Yun nga lang, wala silang balutan na pang-take-out! Nakakaloka! Hindi ba uso sa IKEA sa ibang bansa ang pagtake-out ng natirang pagkain? Sa totoo lang, hindi ako pumayag at ginawan ko ng paraan para maiuwi ang sangkatutak na natirang pagkain namin. Clue: Ziplock.

**********************************

If you want us to feature something else, let us know. Pasosyal101 will be funding the regular giveaways with our YouTube earnings so keep watching those ads!

Feeling generous today? If you enjoyed this video, show some love.
Magpa-Gcash ka naman jan!
09684186765

Ay na-send! Charot!

****************************
YouTube: http://www.youtube.com/c/Pasosyal101
Facebook: https://www.facebook.com/pasosyal101/
Instagram: https://www.instagram.com/pasosyal_101/
Email: sirenspeaks@gmail.com
Patreon: https://www.patreon.com/pasosyal101
****************************

#Pasosyal101 #IkeaPhilippines #IkeaPasay #SwedishMeatballs #IkeaSwedishRestaurant

Loading comments...