OCTOBER 8, 2021 PRAYER

3 years ago
23

LEA:

"Dont limit your prayer and spending time with God"

-Never limit your prayers because you think you're sinful or undesering.

-wag mong limitahan ang panalangin mo at dahil ang tingin mo ikaw ay makasalanan at hindi karapat dapat.

1Tes5:17

-You're not praying because of who you are you're praying because of who He is.
He's the one whose mercy and compassion and love for endless

James 5:16

A consistent life of prayer will set a spiritual fire around you.

Rom.12:12

sapagkat ang pananalangin ang nagbibigay ng kalakasan khit na anung sitwasyon ang dinadaan at dadaanan mo pa.
kailangan may pag sunod tayo sa utos ng Diyos

Ps.119:47

God is bigger than our expectation.
mas malaki pa ang kakayanan at ibibigay ng Diyos kaysa sa mga inaasahan ntin.
May patnubay ang holy spirit sa ating pananalangin.

Ps.147:5

Spending time with God.
magkaron tayo quality time sa Diyos sa pamamagitan ng prayer.

The more time you spend with God the more it will become a daily habit as well
Pag marami tayong time sa Lord makakasanay ntin ang pakiki pag usap sa kanyan sa prayer.

Matt6:6.
Luke 6:12

Spending time with the Lord.
Prayer is not a preparation for the battle. It is the Battle.

===========================

ELY:

PRAYER : A Habit Worth Dying For
Daniel 6: 3-11; 16; 22
-Katulad ni Daniel na may kaalaman sa Salita ng Dyos. Kilala at subok na Nya ang Dyos sa buhay Nya.
-Habit Nya o kinaugalian na ni Daniel ang manalangin tatlong beses sa isang araw.
-Kaya Nyang ipaglaban kahit sa kamatayan ang Pananalangin.

Prayer: A Habit Worth Dying for
Yan ang pagkatao ni Daniel
-Dahil alam Nya ang Salita ng Dyos .
Kahit magpalabas pa ng batas ang buong Empirr ng Persia na bawal manalangin sa loob ng tatlumpong araw. At sinumang hindi susunod sa utos na ito ay ihahagis sa kalungan ng mga leon.

Dan 6:7 MBB Kami pong mga tagapamahala ng kaharian, mga gobernador, katulong na gobernador at mga tagapayo ay nagkakaisa ng palagay. Mabuti po'y ipag-utos ninyo na sa loob ng tatlumpung araw ay walang sasamba o mananalangin sa ibang diyos o tao liban sa inyo. Sinumang hindi susunod sa utos na ito ay ihahagis sa kulungan ng mga leon.
8 Kaya, mahal na hari, magpalabas po kayo ng gayong kautusan at inyong lagdaan upang maging batas ng Media at Persia, batas na di mababago kailanman."

-Nang nalaman ni Daniel ang inilabas na batas.

Dan 6:10 MBB Nang malaman ni Daniel na ang gayong kautusan ay nalagdaan na ng hari, siya'y umuwi. Umakyat siya sa isang silid sa itaas ng kanyang tirahan at sa tapat ng bintanang nakaharap sa Jerusalem ay lumuhod siya at nanalangin sa Diyos tatlong beses maghapon, gaya ng kanyang kinaugalian.

-Dahil sa paglabag Nya sa batas sya ay inihagis sa kulungan ng mga leon

Dan 6:16 MBB Dahil dito, iniutos ni Haring Dario na ihagis si Daniel sa kulungan ng mga leon. Ngunit sinabi niya rito, Nawa'y iligtas ka ng Diyos na pinaglilingkuran mo ng buong katapatan.

-Napatunayan na ang Dyos na pinaglilingkuran ni Daniel ay buhay, dahil niligtas Sya ng Panginoon sa mga bibig ng leon, pinatikom ito ng mha Angel na sinugo ng Dyos.

Dan 6:22 MBB Hindi po ako naano pagkat ang bibig ng mga leon ay pinatikom ng mga anghel na sinugo ng aking Diyos. Ginawa po niya ito pagkat alam niyang wala akong kasalanan ni nagagawang masama laban sa inyo."

-Si Daniel ay willing na mamatay sa halip na give up Nya ang kinaugalian Nyang Pananalangin.

"Daniel was still willing to die rather than give up his habit of prayer"
Gaanu ka importante sayo ang Panalangin?
Masasabi mo bang.....
"Is it a habit worth dying for?
-Mawala na lahat ng ginagawa mo sa buhay, wag lang ang Panalangin.
-Panalangin ang pinaka importante dahil ito ang access natin sa Dyos.
-Without the lifeline of prayer we grow spiritually weak.
-Wag natin pabayaan o kaligtaan ang prebelehiyo na binigay sa atin ng Dyos na malayang makalapit sa kanya sa pamamagitan ng Panalangin

"A day without prayer
is a day without blessing,
and a life without prayer
is a life without power."

"The effectual fervent prayer of a righteous man availeth much."
James 5:16

Loading comments...