Walking in Christ's footsteps | MAY 4, 2021 | Joy

3 years ago
5

Walking in Christ's footsteps

1 Peter 2:21 God has chosen that you should be patient like this. Christ had trouble and pain on your behalf. And he is the person that you should copy. So you should do the same kind of things as Christ did.

Ang pagtitiis ng hirap ay bahagi ng pagkahirang sa inyo ng Diyos; sapagkat nang si Cristo ay magtiis para sa inyo, binigyan niya kayo ng halimbawang dapat tularan.

*Ikaw ba ay tagasunod ng Panginoong Jesus?
Lukas 9:23
At sinabi niya sa lahat, Kung ibig ninumang sumunod sa akin, limutin niya ang ukol sa kanyang sarili, pasanin araw-araw ang kanyang krus, at sumunod sa akin

Mateo 4:18-20
Sa paglalakad ni Jesus sa tabi ng Lawa ng Galilea, nakita niya ang dalawang mangingisda, si Simon na tinatawag na Pedro, at ang kapatid niyang si Andres. Sila'y naghahagis ng lambat.
19 Sinabi niya sa kanila, Sumunod kayo sa akin, at gagawin ko kayong mamamalakaya ng mga tao.
20 Noon di'y iniwan nila ang kanilang mga lambat at sumunod kay Jesus.

*Ang pagiging tagasunod ng Panginoong Jesus ay Ang Pag bibigay mo ng buo mong Buhay sa Panginoon
-Kayaga ni Cristo na Ibinigay ng buo Ang sarili Nya para sa atin

Filipos 2:8
siya'y nagpakababa at naging masunurin hanggang kamatayan, oo, hanggang kamatayan sa krus

*Kalakip ng Pagsunod sa Panginoon ay Ang Pagkakaroon ng
-kababaang loob
-kaamuan
-pagtitiyaga
-pag-ibig
Efeso 4:1-2
1 [Ang Pagkakaisa sa Espiritu] Kaya't ako na isang bilanggo dahil sa Panginoon, ay namamanhik sa inyo na mamuhay kayo gaya ng nararapat sa mga tinawag ng Diyos.
2 Kayo'y maging mapagpakumbaba, mabait, at matiyaga. Magmahalan kayo at magpaumanhinan

Loading comments...