Panalangin Para Lumago Part 2 | APRIL 18, 2021 | PastorB.

3 years ago
3

EPESO 1:15-21
15 Kaya nga, mula nang mabalitaan ko ang tungkol sa inyong pananalig sa Panginoong Jesus at ang inyong pag-ibig sa lahat ng hinirang,
16 walang humpay ang pasasalamat ko sa Diyos para sa inyo. Inaalaala ko kayo sa aking pananalangin,
17 at hinihiling sa Diyos ng ating Panginoong Jesu-Cristo, ang dakilang Ama, na pagkalooban niya kayo ng espiritu ng karunungan at ng tunay na pagkakilala sa kanya. v18Nawa'y liwanagan ng Diyos ang inyong mga isip upang malaman ninyo ang ating inaasahan sa kanyang pagkatawag sa atin. Ito'y ang kaluwalhatiang inilaan niya sa kanyang mga hinirang,
19 at ang walang hanggang kapangyarihan niya sa atin na mga nananalig sa kanya. Ang kapangyarihan ding iyon
20 ang muling bumuhay kay Cristo at nagluklok sa kanya sa kalangitan, sa kanan ng Diyos.
21 Kaya't nasa ilalim ng kapangyarihan ni Cristo ang lahat ng paghahari, kapamahalaan, kapangyarihan, at pamunuan. Higit ang kanyang pangalan kaysa lahat ng pangalan, hindi lamang sa panahong ito kundi pati sa darating.

1HARI 3:7-9
7 Yahweh, aking Diyos, ginawa mo akong hari bilang kahalili ng aking amang si David, bagaman ako'y bata pa't walang karanasan.
8 Pinapamuno mo ako sa iyong bayan, sa bayang ito na hindi na mabilang sa dami.
9 Bigyan mo ako ng isang pusong maunawain at marunong kumilala ng masama at magaling. Sapagkat sino ang maaaring maghari sa bayan mong ito na napakalaki?"

MATEO 16: 15-19
15 "Kayo naman, ano ang sabi ninyo? Sino ako?" tanong niya sa kanila.
16 Sumagot si Simon Pedro, "Kayo po ang Cristo, ang Anak ng Diyos na buhay."
17 Sinabi sa kanya ni Jesus, "Mapalad ka, Simon na anak ni Jonas! Sapagkat ang katotohanang ito'y hindi inihayag sa iyo ng sinumang tao kundi ng aking Amang nasa langit.
18 At sinasabi ko naman sa iyo, ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesya, at hindi makapananaig sa kanya kahit ang kapangyarihan ng kamatayan.
19 Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng langit: ang ipagbawal mo sa lupa ay ipagbabawal sa langit, at ang ipahintulot mo sa lupa ay ipahihintulot sa langit."

Loading comments...