You are loved by God | MARCH 13, 2021 | Sarah

3 years ago
9

You are loved by God

Illustration: Bridgemaster

John 3:16
-2000 years ago, katulad nung tatay sa kwento. May gumawa ng ganung desisyon para saatin. Na mas pinili nya tayong mga tao na iligtas kesa sa sarili Nyang anak.
Mas pinili ng Diyos na makita na pinapahirapan yung anak Nya kesa tayo ang makita Nyang mapapahamak.

Isa.52
-Hindi biro yung hirap na tinamo ng anak Nyang si Hesus. Hindi basta basta namatay na lang si Hesus.

Romans 3:23
-walang exemption dito. Lahat tayo sa paningin ng Diyos ay makasalanan.
-ayaw ng Diyos ang kasalanan, mabaho sa pang amoy ng Diyos ang kasalanan, pero mahal na mahal ng Diyos ang mga makasalanan

-kaya nga mga kapatid, in order na matubos tayo sa kasalanan, kailangan may mamatay.

Romans 6:23
-Ang tanging kabayaran ng kasalanan ay kamatayan
-pero hindi ikaw ang gusto ng Diyos na magbayad non.
Sinakripisyo Nya ang buhay ng anak Nyang si Hesus
Para sa kabayaran ng ating mga kasalanan.

-Ito ang dahilan kung bakit binigay Nya si Hesus.
Si Hesus na ang nagbayad sa ating mga kasalanan.
Si Hesus na ang naghirap para hindi na tayo maghirap
Si Hesus na ang nagpunta sa impyerno para hindi na tayo mapunta run.
Ganyan ka kamahal ng Diyos

-Ang Diyos po ay nag-ooffer ng isang relasyon. Relasyon na ituturing mo syang tatay at ikaw ay anak nya.

John 1:12-13
Pahayag 3:20

Ngayong tinanggap mo na ang Panginoong Hesus, ikaw ngayon ay may personal ng relasyon sa knya.

At bilang tatay mo na ang Diyos, at ikaw ay anak Nya. Katulad ng usual na ginagawa ng isang anak sa magulang. Ikaw ngayon ay susunod na sakanya ng sa ganon, magkaron ka ng isang buhay na ganap at kasiya siya.
Wag ka mag-alala, dahil, walang ibang ginusto at gugustuhin ang Diyos kundi mapabuti ka at maganap ang kalooban Nya sa buhay mo. 🧡

Loading comments...