Salvation is by Grace alone through Faith in Jesus Christ alone | MARCH 2, 2021 | MarlonB.

3 years ago
21

"SALVATION is: by Grace alone, through Faith alone, in Jesus Christ alone."
(Eph. 2:8, John 1:12, Acts 4:12)

...by Grace alone (Eph. 2:8)
-Hindi tayo maililigtas ng ating mga gawa dito sa mundo, pinapatunayan lng nito na sa harapan ng Diyos, wala tayong maipagmamalaki. Makasalanan tayong lahat kaya ang destination natin lahat ay kapahamakan, kamatayan sa lugar ng impyerno pero mabuti nlng may mapagmahal tayong Diyos, sa sobrang laki ng habag/awa ng Diyos tayo ay naligtas tayo. Si Hesus ang naging katubusan ng ating mga kasalanan. Tiniis Niya ang lahat para lang tayo ay maligtas. Ganyan tayo kamahal ng Diyos. Tayo dapat ang magdaranas ng parusa pero inako ni Hesus. Kaya tandaan mo kapatid, mahal na mahal tayo ng Diyos.

...through Faith alone (John 3:16)
-Walang matuwid, wala kahit isa.. Walang taong hindi nakakagawa ng kasalanan, sa harapan ng Diyos makasalanan tayo at kailangan ntin ng katubusan. Kaya ibinigay ng Diyos si Hesus na kaisa-isa at pinakamamahal Niyang Anak para tayo ay maligtas. Ang kaligtasan na ito ay matatanggap natin sa pamamagitan ng pananampalataya. Hindi inilihim ng Diyos ang kaligtasan, sinabi ng Diyos ang paraan, sumampalataya ka at ikaw ay maliligtas.

...in Jesus Christ alone (Acts 4:12)
-Hindi tayo maililigtas ng relihiyon o saan ka man simbahan kabilang. Tanging sa pamamagitan lang ni Hesus tayo maliligtas. Si Hesus ang daan patungong langit, si Hesus ang katotohanan at si Hesus ang buhay. Kailangan mong tanggapin si Hesus bilang Panginoon at Tagapagligtas mo.

-Diba po ngayon ang dami ng requirements bago ka makapasok sa mga lugar? Kailangan mo ng gate pass o kaya travel authority o kpg pupunta ka sa ibang bansa, kailangan mo ng passport.. Ganun din po sa langit, si Hesus ang gate pass mo, si Hesus ang travel authority mo, si Hesus ang passport mo sa langit

-Ang impyerno ay nilikha para sa mga anghel na nagrebelde sa Diyos pero dahil sa kasalanan ng tao, dumating ang kapahamakan sa atin. Mabuti nlng mas malaki ang pag-ibig ng Diyos kaysa sa ating kasalanan. Kaya gumawa ang Diyos ng paraan, gumawa ang Diyos ng daan para maligtas tayo.

-Ginawa na ng Diyos ang part Niya bilang Diyos upang ipakita at bigyan ng kaligtasan ang mga tao. Ngayon bilang mga tao na nabubuhay sa mundong ito, It's time na, na gawin na natin ung part natin upang tayo ay maligtas, kasi malapit ng bumalik si Hesus, ang dami ng nangyayari sa mundo, time na para tanggapin ntin si Hesus bilang ating Panginoon at tagapagligtas..

(Illustration: Microbio & Prayer of Acceptance)

Praise God, dahil tinanggap mo na si Hesus bilang Panginoon at tagapagligtas mo, Kristiyano ka na.. Ngayon ano nmn ang..
"Kahalagahan ng pagiging Kristiyano natin.."

Nagkakaroon ng:
1. Transformation/New Creation - (2 Cor. 5:17)
-Magugulat ka nlng may nagbabago na sa ugali mo.. Dati magagalitin ka, ngayon maunawain na.. Dati palamura ka, ngayon hindi na maganda sa pandinig mo ang mura.. Makikita mong binago ka ng Diyos.. Wala na ung dating ikaw, Kristiyano ka na.. Christ-like..

2. Protection - (Psa. 91:11)
-dahil ginawa mong Panginoon at Diyos si Hesus.. Iingatan ka Niya, Saan? Sa lahat ng bagay.. Magagawa kang proteksyunan ng Diyos sa sakit, aksidente, sakuna, kahirapan.. Magagawang suguin ng Diyos ang anghel Niya upang ikaw ay subaybayan..

3. Provision - (Phil. 4:19)
-ipagkakaloob ng Diyos sayo anuman ung mga bagay na hingiin mo basta naaayon sa Kalooban ng Diyos.. Hindi madamot ang Diyos, nagawa nga Niyang ibigay si Hesus, yung pa kayang kailangan mo diba?

-Nasasaiyo ang pabor ng Diyos, makikita ng mga tao na ikaw ay mayroong Diyos sa buhay, may Diyos na maasahan. Parehong dadaan ang bagyo/pandemic sa mga taong may Diyos at walang Diyos.. Yung mga taong walang Diyos, mangangamba, matatakot pero ikaw na may Diyos, dala-dala mo ang pabor ng Diyos.. Kasi kilala mo ang Panginoon na tatawagin mo, maasahan mong hindi ka bibiguin ng Diyos.

Loading comments...