Saving of the Soul | FEB 7, 2021 | PastorB.

3 years ago

JAMES 1:21 TAB
Kaya't alisin ninyo ang lahat ng karumihan at ang nalalabing kasamaan, at tanggapin ninyo na may kaamuan ang salitang itinanim, na may kapangyarihang magligtas ng inyong mga KALULUWA.

Soul - Mind
Will
Emotion

ikaw na ang magbago ng iyong "ugali."

Galatia 5:24
At ipinako sa krus ng mga na kay Cristo Jesus ang laman na kasama ang masasamang pagnanasa at mga kahalayan nito.

Romans 12:2
Huwag ninyong tularan ang sanlibutang ito; kundi MAGBAGO kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pag-iisip, upang mapatunayan ninyo kung alin ang mabuti, kasiya-siya, at lubos na kalooban ng Diyos.

Ang salitang "Magbago" sa Romans 12:2 ay kapareho rin ng salitang "Restore" sa

Psalms 23:3
Pinanunumbalik niya ang aking kaluluwa (He restoreth my soul) ....

Ano ang magliligtas o magbabago ng iyong kaluluwa?

Ayon sa Jameas 1:21, ang Salita ng Diyos ang makapagliligtas ng iyong kaluluwa.

Kailangang malaman mo ang Salita ng Diyos.

Kailangan mo iligtas ang iyong kaluluwa sa pamamagitan ng pag-aaral ng Salita ng Diyos upang umayon ang iyong isip at damdamin dito.

Kung hindi mo alam ang Salita ng Diyos bilang basihan ng tama o mali, ang iyong isip, damdamin at sariling kalooban ay sasalungat sa kalooban ng Diyos -pipiliin mo ang mali!

At kung magpapatuloy ka sa pagpili ng mali, darating ang panahon, maaaring tuluyan mawala ka na sa kaligtasan (Galatia 5:19-21).

Paano? Tanggapin ninyo na may kaamuan ang salitang itinanim, na may kapangyarihang magligtas ng inyong mga kaluluwa. . . Huwag ninyong tularan ang sanlibutang ito; kundi magbago kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pag-iisip, upang mapatunayan ninyo kung alin ang mabuti, kasiya-siya, at lubos na kalooban ng Diyos. . . Pinanunumbalik niya ang aking kaluluwa.

Ang kaluluwa ng tao ay naliligtas o na re-restore kapag ang kanyang isip ay nabago na ng Salita ng Diyos. Ang Salita ng Diyos ang nagliligtas ng ating mga kaluluwa, ang nag-re-restore ng ating mga isip, na siyang nag re-restore ng ating mga kaluluwa.

Kapag ang ating isip ay nabago na ng Salita ng Diyos, ang thinking natin ay umayon na sa kung ano ang sinasabi ng Salita ng Diyos. Maaari na natin malaman kung ano ang permissive at perfect will ng Diyos. Hindi na tayo magkakaroon ng maraming tanong patungkol sa kalooban ng Diyos kapag ligtas na ang ating kaluluwa.

Ang pinaka-kailangan ng Simbahan ngayon ay mabago ay ma-renew ang isip sa pamamagitan ng Salita ng Diyos.

Loading comments...