JAN 29, 2021 PRAYER

3 years ago
81

LEA:
Being led by the Holy Spirit.
-Paano tayo kinakausap ng holy spirit
-kung paano nya tayo binibigyan ng instruction.
-Ang holy spirit ang nagsasabi ng mga advance na mangyayari sa atin
-Sa pamamagitan ng inward witness
Inward voice
Ay malalaman ntin ang mga instruction at sinasabi ng holy spirit.

Rom.8:14- for all who led by the spirit of God are sons of God.

-Ang lahat ng pinapatnubayan ng Espirito ng Diyos ay mga anak ng Diyos.

John 14:26- But the helper (counselor) the Holy spirit whom the father will send in my name he will teach you all things and bring to your remembrance all that I have said to you.

Ang Holy spirit ang nag tuturo nagpapaalala nag paparemind sa atin sa lahat ng gagawin ata mangyayari.

Kaya po lagi tayong manalangin
Makining sa leding ng holy spirit at sumunod para hindi tayo magkamali at mapahamak.

ELY:
ext : Gawa 1:5
Juan 14:26; 16:7
Topic: Paano ko mararanasan ang paggabay ng Banal na Espiritu?

Panimula:

- Ang Banal na Spiritu ang pinadala ni Hesus nung Siya ay umakyat sa langit.

-Sinabi Nya ito sa kanyang mga alagad. Ang Espiritu ang magtuturo at gagabay sa lahat ng mga mananampalataya.

- Ang pangako ni Hesus ay natupad noong dumating ang Banal na Espiritu na may kapangyarihan sa araw ng Pentecostes. Gawa 2

- Oras na manampalataya kay Kristi ang isang tao, agad na nananahan sa kanya ang Banal na Espiritu. At nagiging permaneteng bahagi Siya ng kanyang buhay. Rom 8:14
1 Cor. 12:13

Maraming gawain ang Banal na Espiritu:
-hindi lamang Siya nagbibigay ng mga kaloob ayon sa kanyang maibigan. 1Cor. 12:7-11

- taga pag-aliw Juan 14:16
- taga pagturo Juan 14:26
-gabat / taga payo
Luke 12:12
1 Cor. 2:6-10
- tatak ng pangako ng Dyos sa ating puso hanggang sa muling pagparito ng Panginoong Hesus Kristo. Efeso 1:13, 4:30

Ang mga mahalagang pamamaraan upang maranasan ang paggabay ng Banal na Espiritu ay ang:

1. Maging pamilyar sa Salita ng Dyos.

-Ang Bibliya ang pinakamataas na pamantayan na pinagmumulan ng karunungan at katotohanan na dapat nating ipamuhay.
2 Tim. 3:16

-at dapat saliksikin ng mga mananampalataya ang salita ng Dyos. Pagbulay-bulayin ay isaulo. Jos. 1:8
Efeso 6:17

-Ang Salita ng Dyos ang "tabak ng Espiritu" at ginagamit ito ng Banal na Espiritu upang mangusap sa atin. Juan 16:12-14
-at ipaalam ang kalooban ng Dyos sa ating buhay. Ipapaalala din Nya sa atin ang mga talata aa Biblia sa panahon na kailangang kailangan natin. Juan. 14:26

2. Patuloy na pananalangin.
1 Tesa. 5:17

- Hindi lamang binubuksan ng panalangin ang ating puso at isip sa pangunguna ng Espiritu kundi ito rin ang kasangkapan upang mangusap ang Banal na Espiritu para sa atin.
"Gayundin naman,tinutulungan tayo ng Espiritu sa ating kahinaan. Hindi tayo marunong manalangin nang wasto kaya't ang Espiritu ang dumaraing para sa atin. At ang Dyos na Siyang nakakasaliksik sa puso ng tao ang Siyang nakaka alam kung ano ang kaloob ng Espiritu. Sapagkat ang Espiritu ang namamagitan para sa mga hinirang ayon sa kalooban ng Dyos.
Rom. 8:26-27

3. Paghahanap ng bunga ng Espiritu sa ating mga buhay.
Gal. 5:22-23

-kung lumalakad tayo sa Espiritu patuloy nating makikita ang mga katangiang ito na lumalago at nagpapatibay sa atin. Makikita ito sa ating buhay

Loading comments...