Pamasahe (Official Lyric Video)

6 months ago
31

Lyrics:

Bagong umaga, simula ng pag-asa
'Wag magrereklamo hangga't ikaw ay may hininga
Kalimutan ang layo o kung san ka man patungo
Sitwasyon ma'y malabo
siksikan man tayo, makakarating din sa dulo

Tayuan sa bus, minsan sabit sa jeep
Magbabayad parin, sa pwesto na masikip
Lahat naman tayo'y makakatawid
Basta't higpitan lang yong kapit

Paabot ng bayad
Usog kaibigan
Anong bigat ng suliranin
Gagaan din yan
'Wag titigil sa nasimulan
Maniwala sa'yong kakayahan
Noon, kahapon, bukas, ngayon
Walang bagyong di malalampasan

Antok ka na sa byahe
'Wag lalagpas, mabibitin pamasahe
Mainit man o maging tag-ulan
Walang galawan basta't tuloy lang
Minsan ang daming tanong
Kung kelan nga ba aahon
Kapusin man ang baon
Pagod sa maghapon
Oras din ay aayon

Tayuan sa bus, minsan sabit sa jeep
Magbabayad parin, sa pwesto na masikip
Lahat naman tayo'y makakatawid
Basta't higpitan lang yong kapit

Paabot ng bayad
Usog kaibigan
Anong bigat ng suliranin
Gagaan din yan
'Wag titigil sa nasimulan
Maniwala sa'yong kakayahan
Noon, kahapon, bukas, ngayon
Walang bagyong

Kahit anong mangyari
Patuloy lang sa paglalakbay
'Wag iisiping nagiisa ka,
Sa karanasang iyong dala

Paabot ng bayad
Usog kaibigan
Anong bigat ng suliranin
Gagaan din yan

'Wag titigil sa nasimulan
Maniwala sa'yong kakayahan
Noon, kahapon, bukas, ngayon
Walang bagyong

Noon, kahapon, bukas, ngayon
Walang bagyong di malalampasan

Loading comments...