KAMUSTA NA? KAYA PA BA?

8 months ago
2

GOVT TO SELL ASSETS? FOR WHAT?
The Philippine coffers are depleting fast kaya magbebenta na halos 28,000 small assets para daw makalikom ng pondo para sa mga proyekto ni BBM. Anong proyekto?????
Since 2022 until now wala pa ngang major infra projects kaming nakikita o naririnig. Yung mga major projects na may pondo tinanggalan ng pondo sa budget at inihinto nyo di ba?
Mga kababayan ko, Papayag ba kayo na ibenta ng gobyerno ag mga small assets nito kasama na dyan mga lote at buildings? Ang hakbang na yan ay upang makalikom daw ng dagdag pondo ang gobyerno sa iba't ibang mga proyekto na nais gawin sa taong eto o sa natitirang pamumuno ni PBBM.
Ang pwedeng bumili ay mga Filipinos na nasa bansa at OFWs na maaaring bumili mula 200 sqm na lote paitaas, eto ay base sa guidelines na ilalatag ng privatization na ipa-published na magbibigay sa kaninoman na bumili ng govt assets na gusto nito.
Ayon kay DOF Secretary Ralph Recto ipa-publish nila online ang mga assets for public auction. May higit kumulang na 28,000 small assets (marami ay nasa probinsya) na pwedeng bilhin ng mga Filipinos kasama na mga OFWs.
Interesado rin daw ang Landbank na sumali dahil marami itong repossessed properties at ilang govt assets na maliit na pwedeng isama sa public auction.
Ang proseso sa pagsali sa bidding ay kailangang sumulat sa kanila at ihayag ang presyong nais na bilhin ang isang asset. Mayroong guidelines nakapaloob dito na dapat sundin.
Ayon sa DoF, ang layunin ay para tumaas ang revenue ng gobyerno at bumaba ang maintenance cost ng non-performing assets nito. Isa sa planong ipa-auction ay ang STAR CITY na may halagang 15 billion.
Noon nakaraan buwan, Dec 29, 2024 inilathala ng Department of Finance na kumita ang gobyerno ng P4.44 billion mula sa pagbebenta at pagrerenta ng mga govt assets, kasama na ang dibidendo, ang pagtaas ng non-tax revenues sa halagang 555.3 billion para sa taong 2024. (source Manila Bulletin)
*****
Maglalakihan mga bulsa ng mga buwaya!

Loading comments...