Sec. Balisacan ng NEDA, hinamon ni Atty. Panelo sa isang food challenge

9 months ago
7

Hinahamon ni Atty. Salvador Panelo si NEDA Secretary Arsenio Balisacan sa isang food challenge matapos sabihin ng kalihim na hindi maituturing na “food poor” ang sinumang makakaya na gumastos ng 64 pesos kada araw para sa kanilang pagkain.

Nauna nang binatikos ng publiko ang pahayag ni Balisacan dahil hindi raw ito makatotohanan. Sabi naman ni Panelo, sasabayan niya raw si Balisacan sa naturang food challenge. | via Sarah Santos

Loading comments...