VP Sara, gusto nang putulin ang ugnayang political sa Marcos admin ─Political commentator

5 months ago
1

Ayaw na ngang magkaroon ng anumang kaugnayan ni Vice President Sara Duterte kay Pangulong Bongbong Marcos Jr. partikular na sa palpak nitong pamamalakad sa gobyerno kaya't hindi siya dadalo sa paparating na State of the Nation Address nito.

Batay sa opinyon ng dating opisyal ng Duterte administration, may kapareho ding basa ang isang political commentator sa hindi pagdalo ni Vice President Sara sa SONA ni Marcos Jr. kung saan sinabi niya na gusto nang putulin ng pangalawang pangulo ang kanyang ugnayang politikal sa kasulukyang administrasyon. | via Jayson Rubrico

Loading comments...