LIVE | Mga maiinit na mga Balitang nakalap ng SMNI Integrated News and Public Affairs

Streamed on:
83

Pagdinig ng Senado sa PDEA Leaks, binabatikos ng ilang Mambabatas. Pero dating PDEA agent, bumwelta at sinabi na ang lahat ng nagpaparatang na pag-aaksaya lang ng oras ang pag-imbestiga sa naturang isyu ay siguradong nabayaran.

Patung-patong na isyu sa mga paliparan, hindi nakakatulong sa imahe ng Pilipinas kaya't dapat na itong resolbahin. Ayon kay Atty. Panelo, dapat nang pangalanan ang mga responsable sa mga lumalalang problema.

Cybercrime Investigation and Coordinating Center o CICC, pinag-iingat ang publiko sa mga email scam na diumano'y galing sa gcash. Paalala ng CICC, huwag basta-bastang naniniwala sa mga natatanggap na emails.

Samantala, hailstorm o pag-ulan gn yelo sa ilang bahagi ng bansa, normal lang daw kapag malakas ang thunderstorms ayon sa PAGASA. DILG, nakikipag-ugnayan sa mga LGU para sa paghahanda sa paparating na - La Nina.

Bulkang Taal, nakapagtala ng phreatic event ayon sa PHIVOLCS. Ibinugang usok ng bulkan, umabot hanggang 300 metro ang taas sa loob ng halos 3 minuto.

Visayas Grid, muling isinailalim sa yellow alert. Power reserve, nananatiling manipis ayon mismo sa National Grid Corporation of the Philippines o NGCP.

Loading comments...