Ala-Ala (Spoken Poetry)

3 months ago
9

Ala-ala

Kay sarap nga talaga
Na balikan ang mga alaala
Kung saan nagsimula
Ang pagbuo natin ng istorya

Sa tuwing magkatagpo
Ang mga mata natin pareho
Sa malawak na mundo
Parang ang laman lang ay tayo

Tila wala na ang kaba
May kung anong hiwaga
Kapag ikaw ang kasama
Lagi lang akong masaya

Sa bawat oras at minuto
Na ikaw ay nandito
Lumilinaw ang malabo
Kumakalma ang puso

Hanggang ngayon walang nag-iba
Dahilan kaya ako'y namangha
Dahil ang aking nadarama
Para sa iyo'y hindi nawala

Sa lahat ng iyong ginagawa
Palagi mo akong inaalala
Hindi ka nagsasawa
Na mag-alala sa akin at mag-alaga

'Di mapigilan ang saya
Dahil trato mo sa'kin ay mahalaga
Hindi bilang isang abala
Na basta na lang inaabanduna

Sa kabila ng lahat, andito ka pa rin
Sa panahon ng kaguluhan
Kasama kang lumalaban
Hindi mo ako iniwan

Siguro totoo na nga
Sa iyo'y nahulog na
Dahil anong saya ang nadarama
Sa tuwing kapiling kita

Ito na yata
Ang sinasabi ng iba
Mahal kita
Ikaw na nga talaga

Nung pinagtagpo
Ang ating mga puso
Agad nang napagtanto
Ikaw sa akin ang bubuo

'Di ko na ba ito pakakawalan?
Ikaw na nag-iisa kong kailangan
Na makasama sa walang hanggan
Habang buhay kailan man

Saan man magtungo
Gaano man kalayo
Sa iyo pa rin tatakbo
Dahil sa'yo lang sigurado

Sa puno ng siguro
Sayo lang natamo
Ang tangi kong sigurado
Na sa atin nabuo

Ang anumang meron tayo
Dun na lang muna makokontento
Hanggang sa mapansin mo
Na ikaw ang aking gusto

Posible bang tayo ay magkatuluyan?
Siguro naman kung ating hahayaan
Na tayo ay magmahalan
Nang higit pa sa magkaibigan.

Loading comments...