NORTH COTABATO TRAGEDY UPDATE!!!

3 months ago
9

13 PATAY SA PAGKASUNOG NG PAMPASAHERONG VAN MATAPOS MAKABANGGA ANG ISANG TRUCK SA NORTH COTABATO; MOTORSIKLO, NASUNOG DIN MATAPOS MADAMAY SA AKSIDENTE

KORONADAL CITY – Umabot sa labingtatlong (13) indibidwal ang nasawi matapos matusta nang masunog ang sinasakyang pampasaherong Van na bumangga sa isang commercial truck sa bahagi ng Brgy. Luhong, Antipas, North Cotabato, Lunes ng hapon.

Narito ang ilan sa mga nasawi na nakilala sa pamamagitan ng kanilang mga dokumento:

1. Nonoy Bunda, - Van driver
2. Irish Lopez (mother)
3. Vince Lopez (son of Irish)
4. Jenevive Vicente
5. Sherly Pojas (mother)
6. Coco Pojas (Son of Sherly)
7. Kimberly Shainne Armada
8. Unidentified
9.Unidentified
10.Unidentified
11.Unidentified
12.Unidentified
13.Unidentified

Samantala, ang mga sugatan na ginagamot na ngayon sa ospital ay ang mga sumusunod:

1. Rosario Reyes
2. Edwin Dumapias Nasiad - Truck driver
3. Wilmark Josil Panoy - pahenante
4. Gregorio Wallace Casiño

Ayon sa ulat, ang van (MWB 911 ) ay may biyaheng Kidapawan-Arakan na aksidenteng nakabanggaan ang isang commercial truck (MAD 8703 ) pagsapit sa nasabing lugar.

Mabilis naman nga rumesponde ang mga otoridad sa lugar at inapula ang sunog ngunit hindi na nailigtas pa ang sakay ng PUV Van.

Sa ngayon, patuloy na ginagamot ang ilang mga sugatan sa trahedya.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad sa nangyaring aksidente at mga pagkakakilanlan ng ilang mga biktima.

Loading comments...