Darating ang oras ibubuhos ng langit- beautiful filipino worship

6 months ago
7

Darating ang oras ibubuhos ng langit
Ang mangkok sa lupang punong puno ng galit
Titindi ang sugat, pupula ang dagat
Maging sa mga ilog ay mamamatay lahat
Ang Diyos ang nagsasabing Siya ay darating
Upang tayo'y kunin at sa langit makarating
Mawawala na ang hirap, lungkot ay mapapawi
Ang tanging panalangin tayong lahat ay makauwi
Darating ang oras ibubuhos ng langit
Ang mangkok sa lupang punong puno ng galit
Titindi ang araw na walang katulad
Lahat ng nasa hula ay pawang matutupad
Ang Diyos ang nagsasabing Siya ay darating
Upang tayo'y kunin at sa langit makarating
Mawawala na ang hirap, lungkot ay mapapawi
Ang tanging panalangin tayong lahat ay makauwi
Darating ang oras ibubuhos ng langit
Ang mangkok sa lupang punong puno ng galit
Magdidilim ng sobra, kidlat, kulog ay maririnig
At ang lahat ng natitira lindol ang yayanig
Ang Diyos ang nagsasabing Siya ay darating
Upang tayo'y kunin at sa langit makarating
Mawawala na ang hirap, lungkot ay mapapawi
Ang tanging panalangin tayong lahat ay makauwi
Ang Diyos ang nagsasabing Siya ay darating
Upang tayo'y kunin at sa langit makarating
Mawawala na ang hirap, lungkot ay mapapawi
Ang tanging panalangin tayong lahat ay makauwi
Ang tanging panalangin...
Tayong lahat ay maka...uwi

Loading comments...