28% ng mga Pilipino, naniniwalang gumanda ang estado ng kanilang buhay −SWS Survey

7 months ago
34

Nasa 28% ang mga pilipinong nagsasabi na mas gumanda ang estado ng kanilang buhay kumpara sa nakalipas na labing dalawang buwan.
Nasa 41% naman ang nagsasabing walang ipinagbago sa kanilang estado habang 30% ang nagsasabing lumalala ang kanilang buhay.
Batay ito sa survey na isinagawa ng Social Weather Stations noong September 28 hanggang October 1, 2023.
Sa unang bahagi ng Nobyembre ay naglabas rin ng survey result ang SWS.
Mas maraming mga Pilipino anila ngayong third quarter ng taon ang ikinokonsiderang "mahirap" ang estado ng kanilang buhay.
Habang 27 percent ang ikinokonsiderang "katamtaman" ang estado ng kanilang buhay.
via Jade Calabroso
Panoorin ang buong episode:
https://www.youtube.com/watch?v=t5PqQjLz6_k

Loading comments...