BUS SHOOTING INCIDENT IN NUEVA ECIJA

1 year ago
71

Footage by Victory Liner Dashcam

Iniimbestigahan ng Philippine National Police (PNP) ang pamamaril sa mag live-in partner na nangyari sa loob ng isang pampasaherong bus sa Carranglan, Nueva Ecija.

Nabatid na ang biktima ay sinampahan ng kasong carnapping ng kanyang anak at kasalukuyang nakalaya matapos makapagpiyansa.

Patuloy din ang pagsusuri ng pulisya sa dashcam footage ng bus para matukoy ang pagkakakilanlan ng dalawang suspek na bumaril sa mga biktima.

Batay sa paunang imbestigasyon, binabaybay ng bus ang national highway sa bahagi ng Barangay Minuli, Carangglan nang maglakad ang dalawang lalaki sa papunta sa harapang bahagi ng bus.

Habang ang mga biktima ay magkatabi sa harapan ng bus, bumunot ng baril ang mga salarin at nagpaputok ng apat na beses na naging dahilan ng agarang pagkamatay ng dalawang biktima.

Loading comments...