Hazardous floating barrier na inilagay ng Chinese Coast Guard (CCG), inalis ng PCG

1 year ago
15

PANOORIN | Inalis ng Philippine Coast Guard (PCG) ang hazardous floating barrier na inilagay ng Chinese Coast Guard (CCG) sa Bajo de Masinloc (BDM).

Kasunod ito ng utos ng pangulo dahil sa paglabag sa international law partikular na sa karapatan ng mga Pilipino na mangisda sa lugar.

Ayon kay PCG Spokesperson for the West Philippine Sea (WPS) CG Commodore Jay Tarriela, batay sa 2016 Arbitral Award, ang BDM ay itinuturing na traditional fishing ground ng mga mangingisdang pinoy.

via Pol Montibon

Loading comments...