Philippines News

10 months ago
1

I Kinuwestyon ng Senado ang pabago-bagong salaysay ni France Ruiz, isa sa mga umano’y nang-abuso sa kasambahay na si Elvie Vergara.

Binigyang-diin ni Sen. Jinggoy Estrada ang sinabi ni Ruiz nang magpa-interview sa media na may sakit umano sa pag-iisip ang kasambahay pero pinatagal pa rin sa kanyang puder.

Mas nasabon pa si Ruiz ng mga mambabatas nang isalaysay na in-offeran niya si Vergara ng P5,000 na sahod kada buwan pero sinabi rin kalaunan na pinauuwi niya na ito sa ikalawang araw pa lamang sa trabaho.

“This woman is giving a lot of inconsistent statements, answers Mr. Chair…Sinabi mo Madam France, pangalawang araw [August 12, 2019] palang pinapaalis mo na siya, tama? Pero umabot pa siya nga apat na taon, at pinalipat mo pa, dinala mo pa sa anak mo?” paglilinaw ni Sen. Estrada.

Ilang beses pang nagkamali ng pagbilang si Ruiz patungkol sa kung ilang taong tumagal si Vergara sa kanya na mas ikinainit ng ulo ng senador.

Loading comments...