Remittance ng Overseas Filipinos, tumaas ng 2.5% ayon sa BSP

1 year ago
27

Tumaas ng 2.5 percent ang remittances o ang perang ipinapadala ng mga Overseas Filipino sa bansa para sa kanilang pamilya.

Batay sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas, July ngayong taon nang tumaas ng 2.5 percent o katumbas ng 3.32 bilyong dolyar mula sa 3.24 bilyong dolyar na naitalang personal remittances ng mga Overseas Filipino sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.

Habang nasa 2.99 bilyong piso naman ang cash remittances ng mga Overseas Filipino nitong July kumpara sa 2.92 bilyong dolyar noong nakaraang taon sa kaparehong buwan.

Sa kabuuan, umabot sa 20.91 bilyong dolyar ang naitalang personal remittances mula sa unang pitong buwan ng 2023 o mula noong Enero hanggang Agosto, mas mataas ito ng 2.9 percent kumpara noong nakaraang taon.

Kabilang sa mga bansang kinaroroonan ng mga Overseas Filipino na nakapagtala ng mataas na remittances ay ang Estados Unidos, Singapore, Saudi Arabia at United Arab Emirates.

Inaasahan namang tataas pa ang remittances ng mga OFW lalo na ngayong christmas holiday season hanggang sa katapusan ng taon.

#smninewsblast #newsblast #smni #smninews

Loading comments...