Dr. Tony Leachon, nagbitiw bilang special adviser for non-communicable diseases ng DOH

7 months ago
5

Nagbitiw na bilang special adviser for non-communicable diseases sa Department of Health si health reform advocate Dr. Anthony Leachon.

Sa pahayag ni Leachon, personal ang dahilan ng kanyang ginawang desisyon pero pinag-isipan aniya niya itong mabuti.

Nagpasalamat naman si Leachon sa pagkonsidera sa kanya sa pwesto at umaasang magtatagumpay ang DOH sa mga adhikain nito para sa bansa.

Matatandaan na noong Agosto nang ianunsyo ni health secretary Ted Herbosa ang pagkakatalaga kay Leachon bilang special adviser ng ahensya.

Una na ring itinalaga si Leachon bilang special consultant ng national task force against COVID-19 noong 2020 sa ilalim ng Duterte administration pero nag-resign din ito sa pwesto.

#smninewsblast #newsblast #smni #smninews

Loading comments...