Viral driver na nanutok ng b * r i l sa road rage sa Valenzuela, sumuko na

9 months ago
14

Viral driver na nanutok ng b * r i l sa road rage sa Valenzuela, sumuko na

Sumuko na kay Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian ang driver ng kulay puting fortuner na nanutok ng b * r i l sa nakaalitan nitong taxi driver sa barangay Punturin sa Valenzuela City.

Iniharap ni Mayor Gatchalian sa isang pulong balitaan ngayong Martes si Marlon Malabute sa publiko at hinimok ang kampo nito na maghain ng counter-affidavit.

Nitong Lunes ay sinampahan na siya ng mga reklamong grave threat at alarm and scandal.

Si malabute na isang negosyante ay sumuko kay Mayor Gatchalian matapos nanawagan ang Alkalde para makuha ang kanyang panig.

Magugunita naman na ni-revoke na ng PNP ang license to own and possess firearms at rehistro ng b * r i l ni Malabute.

Habang naglabas na rin ng show cause order ang Land Transportation Office at pinapaharap si Malabute kung tatanggalan ba ito ng driver's license.

#smninewsblast #newsblast #smni #smninews

Loading comments...