Dancing inmates ng Cebu Provincial Detention and Rehabilitation Center, nagpakitang gilas

1 year ago
10

TINGNAN: Humigit-kumulang 300 dancing inmates ng Cebu Provincial Detention and Rehabilitation Center (CPDRC) ang nagpasiklab ng kanilang mga bagong dance moves sa kabila ng makulimlim na panahon.

Tumagal sa halos 30 minuto ang pag tatanghal kasabay ng kilalang tugtugin kagaya ng Street boys at Michael Jackson Medley.

Inaasahang mag kakaroon na ng regular na dance showdown ang mga inmates, isang beses sa isang buwan para sa mga turista na nais masilayan ang kanilang pag sasayaw na bahagi na ng kanilang pang araw-araw na ehersisyo.

Loading comments...