Singil sa kuryente ng Meralco ngayong Agosto, bababa

10 months ago
41

Magandang balita para sa mga customer ng Meralco, bababa ang singil sa kuryente ngayong buwan ng Agosto.

Sa abiso ng Meralco, dalawampu't siyam na sentimos ang mababawas sa kada kilowatt hour na kanilang singil.

Katumbas ito ng limampu't walong piso na matitipid sa mga costumer na kumukunsumo ng nasa 200 kilowatt-hour kada buwan.

Habang 145 pesos na bawas-bayarin ng mga kumukunsumo ng nasa 500 kilowatt-hour
ang bawas-singil ay bunsod ng pagbaba sa generation charge at ibang singilin.

#smninewsblast #newsblast #smni #smninews

Loading comments...