Sinsuat at Mastura acting Governor and Vice Governor for Maguindanao del Norte —Supreme Court

10 months ago
23

Mananatiling Maguindanao del Norte Governor si bai Fatima Ainee Limbona-Sinsuat.

Ito ay matapos na katigan ng Korte Suprema ang kanilang petisyon kasunod ng pagkakahati ng Maguindanao province.

Kaugnay nito, magiging Vice Governor ng probinsya si Datu Sharifudin Tucao Mastura na miyembro ng Sangguniang Panlalawigan.

Sinabi naman ng Korte Suprema na ang pagkakaluklok nina Sinsuat at Mastura ay bilang acting official.

Dahil dito, ipinag-utos ng Korte Suprema sa Bureau of Local Government Finance na iproseso ang rekomendasyon ni Governor Sinsuat sa pagtatalaga ng provincial treasurer na ilang buwang nabinbin at nagdulot ng pagkaparalesa ng mga programa at proyekto, maging ng pasahod ng mga empleyado ng provincial government.

#smninewsblast #newsblast #smni #smninews

Loading comments...