Dating DILG Usec. Martin Diño, pumanaw na

1 year ago
5

Pumanaw na si dating Interior and Local Government Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño.

Sa isang social media, kinumpirma ni dating Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chair Liza Dino-Seguerra ang pagpanaw ng kanyang ama dakong alas-dos ng madaling araw ngayong Martes.

Inilarawan naman ni Liza ang kanyang ama bilang mapagmahal na asawa, ama, kapatid at kaibigan at dedicated public servant.

Matatandaan na kamakailan, ay ibinahagi ni Liza na may sakit na stage 4 cancer ang kanyang ama.

Hindi naman nilinaw ng kanyang pamilya kung anong uri ito.

Bago naging DILG undersecretary si Diño sa panahon ni dating Pangulong Duterte ay naging Chairman ito ng Subic Bay Metropolitan Authority at volunteers against crime and corruption.

#smninewsblast #newsblast #smni #smninews

Loading comments...