Presyo ng produktong petrolyo, muling tataas simula Martes

2 years ago
26

Asahan na muli ng mga motorista ang panibagong taas-presyo sa produktong petrtolyo, simula bukas, araw ng Martes, Hulyo a-bente singko.

Sa abiso ng Pilipinas Shell, Sea Oil at Caltex, tataas ng piso at tatlumpu't limang sentimos ang presyo sa kada litro ng kanilang gasolina.

Habang apatnapu't limang sentimos sa kada litro ng diesel at tatlumpu't limang sentimos sa kada litro ng kerosene.

Loading comments...