Premium Only Content

STALKER EX
Dear Atty. Cuenco,
NAKIPAGHIWALAY PO ako sa boyfriend ko dalawang buwan na ang nakalipas. Hindi maganda ang naging pagtanggap niya rito at sinabing hindi siya makakapayag na magkaroon ako ng ibang boyfriend. Madalas po siyang mag-text sa akin at nakapagtatakang alam niya ang lahat ng aking pinupuntahan pati na rin ang mga taong nakakasama ko. Ilang beses na po akong nagpalit ng number pero lagi pa rin niya itong naaalam. Ano po ba ang puwede kong ikaso sa kanya? Maria Leonora
Dear Maria Leonora,
ANG BATAS na naa-angkop sa iyong kalagayan ay ang Republic Act No. 9262 o mas kilala sa tawag na “Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004”. Layunin ng batas na ito na bigyan ng halaga ang dignidad ng mga kababaihan at ang kanilang mga anak. Pinapangalagaan nito ang kababaihan laban sa karahasan at mga banta sa kanilang personal na kaligtasan at seguridad.
Makikita ang kahulugan ng “violence against women and their children” sa Section 3(a) ng RA 9262:
Section 3. Definition of terms- xxx
a. “Violence against women and their children” refers to any act or a series of acts committed by any person against a woman who is his wife, former wife, or against a woman with whom the person has or had a sexual or dating relationship, or with whom he has a common child, or against her child whether legitimate or illegitimate, within or without the family abode, which result in or likely to result in physical, sexual, psychological harm or suffering, or economic abuse including threats of such acts, battery, assault, coercion, harassment or arbitrary deprivation of liberty.xxx”
Isa sa mga karahasang ipinagbabawal ng nasabing batas ay ang tinatawag na psychological violence. Ito ay tumutukoy sa mga gawaing nagdudulot o maaaring magdulot ng mental o emosyonal na pagdurusa sa biktima gaya ng stalking, harassment, intimidasyon o paulit-ulit na berbal na pang-aabuso (Article 3 (C), RA 9262). Ang intensiyonal na pagsunod ng iyong dating nobyo sa iyong pang-araw-araw na gawain at ang kanyang pagsubaybay maging sa mga taong iyong nakakasalamuha ay maituturing na isang uri ng stalking. Ito ay ipinagbabawal ng Section 5 (h)(1) ng RA 9262:
Section 5. Acts of Violence Against Women and Their Children. – The crime of violence against women and their children is committed through any of the following acts: xxx
1. Stalking or following the woman or her child in public or private places.xxx
Dahil dito, maaari kang maghain ng isang reklamong paglabag sa RA 9262 laban sa iyong dating nobyo at humingi ng temporary o permanent protection order. Maaari kang manghingi ng isang barangay protection order mula sa tanggapan ng inyong baranggay upang magkaroon ka ng agarang proteksyon mula sa dati mong nobyo habang dinidinig ng hukuman ang iyong kaso at ang hinihingi mong protection order mula rito. Sa bisa ng protection order, maaaring pagbawalan ang iyong dating nobyo na lumapit sa iyo o sa iyong pamilya o sa inyong tahanan, eskuwelahan o sa lugar ng iyong trabaho. Kapag napatunayan ang kanyang pagkakasala, maaari siyang maparusahan ng prision mayor o pagkakabilanggo ng anim (6) na taon at isang (1) araw hanggang labingdalawang (12) taon.
-
LIVE
Lofi Girl
2 years agoSynthwave Radio 🌌 - beats to chill/game to
363 watching -
2:15:09
Badlands Media
18 hours agoOnlyLands Ep. 27: Power Hour Hangover, Trump’s Wartime Shift, and Portland in Flames
113K26 -
22:21
DeVory Darkins
8 hours ago $17.63 earnedRioters attack Portland ICE Facility as Democrats make shocking admission
22.8K94 -
2:06:06
TimcastIRL
10 hours agoTrump DOJ Announces INTERVENTION In Portland Over Nick Sortor Arrest | Timcast IRL
238K393 -
6:53:58
SpartakusLIVE
12 hours ago#1 All-American HERO with LUSCIOUS hair and AVERAGE forehead brings Friday Night HYPE
68.9K7 -
3:06:43
Laura Loomer
9 hours agoEP147: Islamic Terror EXPLODES In The West After UK Synagogue Attack
52.9K43 -
1:02:50
Flyover Conservatives
15 hours agoEric Trump: America’s Most Subpoenaed Man SPEAKS OUT! | FOC Show
45.8K14 -
3:36:44
PandaSub2000
1 day agoSuper Mario Galaxy 1 & 2 | ULTRA BEST AT GAMES (Original Live Version)
35K3 -
1:26:04
Glenn Greenwald
13 hours agoJournalist Ken Klippenstein on Trump's New Domestic Terrorism Memo; Glenn Takes Your Questions on Bari Weiss's CBS Role, His Interview with Nick Fuentes, and More | SYSTEM UPDATE #526
101K86 -
3:49:14
SynthTrax & DJ Cheezus Livestreams
2 days agoFriday Night Synthwave 80s 90s Electronica and more DJ MIX Livestream GOTH NIGHT Special Edition
57.9K6