Akari Evaporative AC Air Cooler | Got 40% Discount!

1 year ago
42

Natuyot na ba lahat? Super init na naman! Sa dami ng natignan naming na mga air coolers, itong Akari Evaporative AC Air Cooler ang pinaka the best! Mejo mahal kumpara sa iba pero malaki ang diperensya sa lamig. Nawala ang mainit na singaw dito sa 3rd floor ng bahay. Hindi na ako lapot-lapot habang nagwowork dahil hindi na maalinsangan ang kapaligiran sa loob ng bahay. Ang maganda pa, nakuha namin ito sa discounted price na ₱15,779.40. Ang original price niya ay ₱26,299.75 pero nabigyan pa kami ng 40% discount ni Ms. Aileen at ni Sir Ferdie. Makukuha niyo lang ang discount na ganun kalaki kung sa mga Akari showrooms kayo bibili katulad ng Light Hub NXLED Akari sa Wilson Street sa Greenhills, San Juan City. Yung sa ACE Hardware kasi, hindi nila kayang ibigay yung 40% discount.

Super lakas ng hangin nitong AFC-3260A model ng air cooler. Mas mabuti kung lalagyan ito ng tubig kasi para na siyang aircon dahil lumalamig ang buga ng hangin. Tunay nga naman na isa itong malaking ginhawa sa ganitong panahon ng tag-init na kasisimula pa lamang. Mahaba-haba pa ang #Summer2023 kaya bili na para iwas heatstroke.

**********************************
If you want us to feature something else, let us know. Pasosyal101 will be funding the regular giveaways with our YouTube earnings so keep watching those ads!
*********************************
YouTube: http://www.youtube.com/c/Pasosyal101
Facebook: https://www.facebook.com/pasosyal101/
Instagram: https://www.instagram.com/pasosyal_101/
Email: realpasosyal101@gmail.com
Patreon: https://www.patreon.com/pasosyal101
Kofi: https://ko-fi.com/pasosyalako

****************************

#Pasosyal101 #Akari #AirCooler

Loading comments...