Kulong na 2 taon at P100-K na multa sa palarong dogfight / Law on Buying or Selling Dog Meat

1 year ago
22

Kulong na 2 taon at P100-K na multa sa palarong dogfight

Dear Jc Legal Law,

Tuwing pista sa aming barangay, isa sa mga palaro ang dogfight o sabong ng mga aso hanggang ang isa ay matumba o mamatay. Itatanong ko lang kung may batas ba na nagbabawal sa ganitong klaseng palaro? – Zian

Dear Zian,

Para sa inyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa inyong katanungan ay ang Republic Act (R.A.) No. 10631 o “An Act Amending Certain Sections of Republic Act No. 8485, Otherwise Known as “The Animal Welfare Act of 1998.” Nakasaad sa Section 2 ng batas na ito na:

“SEC 2. Section 6 of Republic Act No. 8485 is hereby amended to read as follows:
“SEC. 6. It shall be unlawful for any person to torture any animal, to neglect to provide adequate care, sustenance of shelter, or maltreat any animal or to subject any dog or horse to dogfights or horsefights, kill or cause or procure to be tortured or deprived of adequate care, sustenance or shelter, or maltreat or use the same in research or experiments not expressly authorized by the Committee on Animal Welfare. x x x” (Binigyang-diin)

Samakatwid, itinuturing ng batas na ito na pagmamaltrato ang dogfight at ipinagbabawal nito ang nasabing aktibidad. Ang sinumang lumabag ay maparurusahan ng kulong ng isang (1) taon, anim (6) na buwan at isang (1) araw hanggang dalawang (2) taon o multa sa halagang hindi hihigit sa Isandaang libong piso (P100,000) kapag namatay ang nasabing hayop. [Section 9 (1].

P212D

Loading comments...