UNIQLO UT X Sailor Moon 美少女戦士セーラームーン

5 years ago
18

Nung bata pa ako, wala akong pambili ng kahit anong Sailor Moon merchandise na original. Ang meron lang ako, stickers, trading cards, paper dolls at stationeries. Lahat yun, sa tabi-tabi ko lang nabili. May tig-piso at may tig-bente. Kahit fake at mumurahin lang ang mga yun, iningatan ko ang mga yun at hindi ginamit dahil sayang. Yun lang ang kaya kong bilihin noon.

Ngayon, kayang-kaya ko nang mabili ang kahit anong Sailor Moon merchandise na original na gusto ko. Ang kaso, nag-iba na ang priorities ko. Mas gusto kong bumili ng magagamit ko araw-araw kesa sa Moon Stick na hindi ko alam kung anong maitutulong sa buhay ko. Pag may nang-holdap sakin, ilalabas ko ang Moon Stick at imu-Moon Healing Escalation ko siya? Ganern? Or imu-Moon Tiara Action ko siya? Ganern?

So naglabas ang UNIQLO ng Sailor Moon shirts. Ang problema, walang kasya sa akin at puro pambabae ang kulay ng shirt. Wait... eh kasi daw pambabae naman talaga ang Sailor Moon. Ok lang. Walang problema. Hindi naman ako magwawala sa social media at hihingi ng equality! Di ba, Gretchen?

Naalala ko tuloy nung highschool ako. binuking ako ng classmate ko na si Jessica Gamboa sa tatay ko na Sailor Warriors kami. Pinagalitan tuloy ako. Eh secret nga yun, di ba? Adik tong Jessica na to. Hanggang ngayon, hindi ako maka-get over.

_______________________________________________________

Now that Pasosyal101 is earning from your views, we will be funding our regular giveaways with our YouTube earnings so keep watching those ads!

If you want us to feature fancier stuff, you can support us by being a sponsor through Patreon: https://www.patreon.com/pasosyal101

YouTube: http://www.youtube.com/c/Pasosyal101
Facebook: https://www.facebook.com/pasosyal101/
Instagram: https://www.instagram.com/pasosyal_101/
Email: pasosyal101@gmail.com
Patreon: https://www.patreon.com/pasosyal101

#Pasosyal101 #UniqloSailorMoon #SailorMoon

Loading comments...