Fresh International Buffet Complete At Solaire (Birthday ni RAIN TD)

4 years ago
55

Walang birthday promo. Alam kong yan ang unang tanong niyo pag buffet. Walang libre dito. Pero may 20% discount pag BDO American Express Gold ang credit card. At dahil pasosyal kami, syempre meron kami nun.

20% off is better than none. Nagkataon lang na birthday ni RAIN TD so nagpa-unlak siya for the first time. Gusto ko na ngang maiyak dahil napilitan pa siya sa lagay na yan. Dahil kung hindi siya magpapakain, baka sa Jollibee nalang siya mag-birthday next year. Pinilit pala.

Sa totoo lang, lobsters at higanteng sugpo lang lang naman ang habol ko dito sa Fresh. Sa lahat ng buffet na nakainan namin, laging wala yang dalawang seafood na yan. Dun pa lang, sulit na ang bayad sa buffet.

Ang isa pang factor na nagustuhan namin dito sa Fresh ay yung service nila. As in asikasong-asikaso kami to the max. Pati yung mga chef, ipinaghahanda pa kami ng mga special dishes. Pwede namang hindi dahil buffet naman ito pero they still chose to give us the best service. Muntik na naman akong maiyak. Charot!

At dahil puro pampabata ang kinain ko, nagbaon ako ng isang banig na Amlodipine 10mg para more buffet to come. Ayokong magaya sa isang vlogger na sumakit ang batok kaka-lobster. Ang chaka! Ayokong ma-headline from buffet to emergency room. Kaya nga hinay-hinay lang dapat. May next time pa para tikman ang ibang food sa buffet. Sabi nga sa movie ni Ate V na "Ekstra", "pang mayaman to, hindi to pang-patay gutom".

_______________________________________________________

Now that Pasosyal101 is earning from your views, we will be funding our regular giveaways with our YouTube earnings so keep watching those ads!

If you want us to feature fancier stuff, you can support us by being a sponsor through Patreon: https://www.patreon.com/pasosyal101

YouTube: http://www.youtube.com/c/Pasosyal101
Facebook: https://www.facebook.com/pasosyal101/
Instagram: https://www.instagram.com/pasosyal_101/
Email: pasosyal101@gmail.com
Patreon: https://www.patreon.com/pasosyal101

#Pasosyal101 #FreshBuffetSolaire #FreshAtSolaire

Loading comments...