MANILA'S RIZAL PARK Walking Tour February 2020

5 years ago
4

Tambayan ng mga jologs, tulugan ng mga naglayas, taguan ng mga adik, pugad ng mga pokpok, tagpuan ng mga walang budget. Yan ang reputasyon ng Luneta sa mga panahong ito. Pero kahit anong sama ng mga naririnig namin tungkol sa lugar na ito, pangarap ko pa rin ang makapasyal dito.

At natupad na nga ang pinapangarap ko. Sa lahat ng mga negatibong narinig ko tungkol sa Luneta, wala ni isa akong naramdaman sa mga iyon. Pakiramdam ko, nagbalik ako sa pagka-bata kung saan nag-field trip kami. Maraming tinitindang pagkain, inumin, mga makukulay na lobo at mga pang-latag sa damuhan.
Masasaya ang mga taong nasa paligid. Halos hindi magkamayaw sa dami at lawak ng nakikita. May maiingay na bata pero hindi dahil sa riot kung hindi dahil sa masayang pagtatakbuhan. May mga manong na malalakas ang boses pero hindi dahil sa gulo kung hindi dahil sa masayang pagkukwentuhan. May mga manang na maiingay pero hindi dahil sa bulyawan kung hindi dahil sa pagtitinda.

Sa totoo lang, hindi lahat ng naririnig, nababasa at napapanood natin ay totoo. Hindi nakakapagod alamin ang totoo. Konting effort lang. Papasa na ba akong writer sa Panitikan? Ang saya, diba? Charot!

__________________________________________________

Now that Pasosyal101 is earning from your views, we will be funding our regular giveaways with our YouTube earnings so keep watching those ads!

If you want us to feature the fancy stuff, you can support us by being a sponsor through Patreon: https://www.patreon.com/pasosyal101

YouTube: http://www.youtube.com/c/Pasosyal101
Facebook: https://www.facebook.com/pasosyal101/
Instagram: https://www.instagram.com/pasosyal_101/
Email: pasosyal101@gmail.com
Patreon: https://www.patreon.com/pasosyal101

#Pasosyal101 #RizalPark #Luneta

Loading comments...