GROCERY Ng Mga SOSYAL

4 years ago
9

Hindi ko alam kung ako lang yung ganun pero mejo nakaka-pressure bumili ng marami kapag nag-grocery ka sa mga sosyalin na superstores katulad ng SnR at Landers. Alam ko naman na wala silang pake kahit asukal lang ang bilihin ko dun pero parang nakakahiyang lang pumila pag hindi lagpas p5,000 ang bill mo. I know right? Ang ganda ng logic ko. Parang tanga lang.

Sa SM supermarket, hindi naman ako pressured. Minsan nga, bigas lang ang bibilihin ko dun. Kaso, andami kong nadadaanan so yung 5 kilos na bigas, naging pangkabuhayan showcase na paglabas ng SM supermarket.

Sa Landers kasi, may membership fee na binabayaran every year tapos ang balak mo lang palang bilihin dito ay Century Tuna, Lucky Me Pancit Canton at Milo. Sana naglakad ka nalang papuntang Liana's.

Sa mga millenials, Liana's ang pinaka sikat na supermarkets nung 80's to 90's. Ngayon, konti nalang sila at Lolas of Manila ang mga madalas mong makikita dito. Mahahaba ang pila dahil halos lahat, nagpapa-senior discount sa cashier. Pero naaalala ko yung Liana's na may canteen-type na kainan. Favorite ko yung Siopao nila na may masarap na sauce. Sa sobrang sarap, halos inumin ko na yung siopao sauce nila. I miss Liana's.

___________________________________________________

Now that Pasosyal101 is earning from your views, we will be funding our regular giveaways with our YouTube earnings so keep watching those ads!

If you want us to feature the fancy stuff, you can support us by being a sponsor through Patreon: https://www.patreon.com/pasosyal101

YouTube: http://www.youtube.com/c/Pasosyal101
Facebook: https://www.facebook.com/pasosyal101/
Instagram: https://www.instagram.com/pasosyal_101/
Email: pasosyal101@gmail.com
Patreon: https://www.patreon.com/pasosyal101

#Pasosyal101 #Landers #PanicBuying

Loading comments...