Stock Sa Bahay Or SARI SARI STORE?

4 years ago
11

So far, nakoronahan na ang Philippines. Kaya nagmadali na kaming bumili ng mga stock bago pa man nagsimula ang lagim. Alam niyo naman ang mga Pinoy, mejo OA. Yung stock na dapat ay good for 1 month lang, good for 3 months talaga ang bibilihin. Kaya mga 3 times na siguro kaming nag-grocery ng pang-stock. Feeling ko, pwede na kaming magtayo ng sari-sari store. Pero sa ngayon, ready na kami sa anumang pwedeng mangyari or i-announce ng gobyerno. Baka hindi lang 1 month ang mga eksena. Kung yung mga face mask nga eh nagka-ubusan, supplies pa kaya! Parang ganyan yung mga eksena sa mga pelikula, diba?

For sure, marami ang mamimili ng mga basic necessities like alcohol, canned goods, tissue paper (bakit?), ascorbic acid (vitamin C) at kung ano-ano pang survival kit items. As early as now, dapat naghahanda na tayo at nagsa-stock paunti-unti at walang need mag-panic. Kapag nagpa-panic buying ka, marami kang nabibili na hindi mo naman talaga kailangan. At yung mga kailangan mo, hindi mo nabibili.

Mas maganda kung may listahan ka na ng mga dapat bilihin. Sa food, yung mga madaling kainin, matagal ang buhay at as much as possible, yung hindi na kailangan lutuin. Ano ba ang mga kailangan just in case mawalan ng power supply? Batteries, flashlights at portable radio. Kung mawalan ng tubig, doon na kakailanganin ang mga tissue paper na yan. Aanhin mo ang tabo kung wala nang tubig, diba? Huwag masyadong kampante. Hindi dahil may mga face mask ka na eh hindi ka na mahahawa. Palakasin ang immune system. Sa panahon ngayon, alcohol is life, literally.

__________________________________________________

Now that Pasosyal101 is earning from your views, we will be funding our regular giveaways with our YouTube earnings so keep watching those ads!

If you want us to feature the fancy stuff, you can support us by being a sponsor through Patreon: https://www.patreon.com/pasosyal101

YouTube: http://www.youtube.com/c/Pasosyal101
Facebook: https://www.facebook.com/pasosyal101/
Instagram: https://www.instagram.com/pasosyal_101/
Email: pasosyal101@gmail.com
Patreon: https://www.patreon.com/pasosyal101

#Pasosyal101 #StayAtHome #WorkFromHome

Loading comments...