Premium Only Content

"Well done..Enter into the joy of thy Lord" | July 17, 2022 | PastorB.
Mateo 25
13 Pagkatapos nito'y sinabi ni Jesus, “Kaya't magbantay kayo, sapagkat hindi ninyo alam ang araw o ang oras man.”
14 “Ang paghahari ng Diyos ay maitutulad sa isang taong maglalakbay. Kaya't tinawag niya ang kanyang mga tauhan at ipinagkatiwala sa kanila ang kanyang ari-arian.
15 Binigyan niya ng salaping ginto[a] ang bawat isa ayon sa kanilang kakayahan. Binigyan niya ang isa ng limanlibong salaping ginto, ang isa nama'y dalawang libong salaping ginto, at ang isa pa ay isanlibong salaping ginto. Pagkatapos nito, siya'y umalis.
16 Kumilos agad ang tumanggap ng limanlibong salaping ginto at ipinangalakal iyon. Kumita siya ng limanlibong salaping ginto.
17 Gayundin naman, ang tumanggap ng dalawang libong salaping ginto ay kumita pa ng dalawang libong salaping ginto.
18 Ngunit ang tumanggap ng isanlibong salaping ginto ay humukay sa lupa at itinago ang salaping ginto ng kanyang panginoon.
19 “Pagkaraan ng mahabang panahon, bumalik ang panginoon ng mga tauhang iyon at sila'y pinag-ulat.
20 Lumapit ang tumanggap ng limanlibong salaping ginto at sinabi, ‘Panginoon, ito po ang limanlibong salaping ginto na iniwan ninyo sa akin. Heto naman po ang limanlibong salaping ginto na tinubo nito.’
21 “Sinabi sa kanya ng panginoon, ‘Magaling! Tapat at mabuting lingkod! Halika, samahan mo ako sa aking kagalakan. Naging tapat ka sa kaunting halaga, kaya gagawin kitang tagapamahala ng malaking halaga.’
22 “Lumapit din ang tumanggap ng dalawang libong salaping ginto at ang sabi, ‘Panginoon, ito po ang iniwan ninyo sa aking dalawang libong salaping ginto. Heto naman po ang dalawang libong salaping ginto na tinubo nito.’
23 “Sinabi ng kanyang panginoon, ‘Magaling! Tapat at mabuting lingkod! Naging tapat ka sa kaunting halaga, kaya't pamamahalain kita sa malaking halaga. Samahan mo ako sa aking kagalakan!’
24 “Lumapit naman ang tumanggap ng isanlibong salaping ginto at sinabi, ‘Alam ko pong kayo'y mahigpit at pinipitas ninyo ang bunga ng hindi ninyo itinanim at inaani ninyo ang hindi ninyo inihasik. 25 Natakot po ako, kaya't ibinaon ko sa lupa ang inyong salaping ginto. Heto na po ang inyong salapi.’
26 “Sumagot ang kanyang panginoon, ‘Masama at tamad na lingkod! Alam mo palang pinipitas ko ang bunga ng hindi ko itinanim at inaani ko ang hindi ko inihasik,
27 bakit hindi mo na lamang inilagay sa bangko ang aking salapi! Kahit paano'y may tinubo sana ito! 28 Kunin ninyo sa kanya ang isanlibong salaping ginto at ibigay sa may sampung libong salaping ginto.
29 Sapagkat ang mayroon ay bibigyan pa, at magkakaroon ng sagana; ngunit ang wala, pati ang kakaunting nasa kanya ay kukunin pa. 30 Itapon ninyo sa kadiliman sa labas ang walang silbing taong iyan! Doo'y mananangis siya at magngangalit ang kanyang mga ngipin.’”
Matthew 25:23
His lord said unto him, Well done, good and faithful servant; thou hast been faithful over a few things, I will make thee ruler over many things: enter thou into the joy of thy lord.
"well done" - trabaho mo yan.
"good" - pagkatao mo yan.
"faithful" - paano mo ginawa ang trabaho mo.
"enter into the joy of thy Lord" - napasaya mo ang Diyos.
-
LIVE
GritsGG
2 hours agoRumble Customs! 3515 Ws! 🫡!
1,238 watching -
LIVE
Lofi Girl
2 years agoSynthwave Radio 🌌 - beats to chill/game to
350 watching -
LIVE
FyrBorne
13 hours ago🔴Warzone M&K Sniping: Finding Season 5's Best Strafe ARs
160 watching -
4:47:50
The Why Files
2 days agoCOMPILATION: UFOs and Aliens Vol.2 | They are NOT our friends
75.7K51 -
54:47
Side Scrollers Podcast
1 day agoSide Scroller Presents KING OF THE KART | MASSIVE MARIO KART TOURNAMENT
145K10 -
14:47
GritsGG
19 hours agoRumble Tournament Dubular! Rebirth Island Custom Tournament!
50.4K3 -
LIVE
CassaiyanGaming
2 hours agoClean Water Charity Stream Day 1 - Black Ops 6 Level Grinding
93 watching -
LIVE
PudgeTV
4 hours ago🟣 Greak: Memories of Azur | Gaming on Rumble | September Charity Water Campaign
94 watching -
LarryDickmanGaming
12 hours agoI am what I am and that's all that I am.
12.5K -
2:39:02
The Pascal Show
20 hours ago $3.32 earned'HE'S THE DEVIL!' Former Mother In Law Breaks Silence On Jake Haro & Emmanuel Haro Case
25.7K4