PALENGKE Sa PASIG Na WALANG PILA Kahit May ECQ

4 years ago
3

Nawindang ako sa mga eksenang nasaksihan ko sa Pasig Public Market nung mapadaan ako last week. Parang ordinaryong araw. Matao, masikip, maputik. Alam niyo naman na ayoko ng masikip. Ayoko ng maputik. Charot lang, Maricel. So ayun. Parang wala lang. Habang may lagim, hindi talaga ako pupunta sa Pasig Palengke dahil hindi uso ang social distancing dun.

So papano na ang pamamalengke? Papano na ang fresh vegetables, fresh fruits, fresh seafood at brown rice? Mabuti nalang at isang tumbling lang ang Choice Market sa Ortigas Extension. May pa-foot wash na, may pa-alcohol pa sa entrance. No need to make pila sa Pasig Palengke.

Isa sa mga binabalik-balikan ko dito ay ang high-tech gataan ni Kuya Miguel. Pipigain ni Kuya ang niyog while you wait kaya kitang-kita mo na pure gata talaga is what you're getting. Hydraulic system ang pag-piga kaya kuhang-kuha hanggang sa huling patak ng tunay na gata. O diba? Parang commercial lang? Yung sa iba kasi, feeling ko may daya. Kaya kay Kuya Miguel lang ako bumibili ng gata as much as possible.

And ang pinaka-gusto ko sa market na ito, walang pila. More than 5 times na akong pumunta dito pero lahat ng times na yun, walang pila. Nagsisiksikan silang lahat sa Pasig Palengke samantalang meron din naman dito ng mga kailangan nila, minus the long pila pa! Yun nga lang, walang langka nung pumunta ako so puso ng saging muna ang gagataan ko.

Bumili rin ako ng malalaking isda pang-prito para hindi naman puro karne at delata. One of these days, susugod ako ulit sa Choice Market para pakyawin ang mga giant pusit ni Ate. As in pag-patak ng 5am at tapos na ang magdamagan na curfew agad-agad.
_______________________________________________

Now that Pasosyal101 is earning from your views, we will be funding our regular giveaways with our YouTube earnings so keep watching those ads!

If you want us to feature the fancy stuff, you can support us by being a sponsor through Patreon: https://www.patreon.com/pasosyal101

YouTube: http://www.youtube.com/c/Pasosyal101
Facebook: https://www.facebook.com/pasosyal101/
Instagram: https://www.instagram.com/pasosyal_101/
Email: pasosyal101@gmail.com
Patreon: https://www.patreon.com/pasosyal101

#Pasosyal101 #PasigPalengke #ChoiceMarket

Loading comments...