Brand New DRONE Went To HEAVEN: DJI MAVIC MINI

4 years ago
7

Napatula at Napatulala

Alam niyo ba yung pakiramdam na ilang saglit pa lang kayong magkasama, bigla nalang siyang nawala sa isang iglap? Parang panaginip lang dahil hindi ka makapaniwala na ganun-ganun nalang yun. Yung bigla nalang nawala sa paningin mo yung kanina lang ay hawak-hawak mo?

Biglang babaha sa isip mo lahat ng SANA. Sana hindi mo nalang siya pinakawalan... sana hindi mo nalang siya hinayaang makalayo... sana nakuntento ka nalang na hawak-hawak mo siya.

Inabutan ka na ng dapithapon at malapit nang mapuno ng dilim ang paligid habang isa-isang bumubukas ang mga ilaw sa mga poste. Papaano na ang gabi ngayong mag-isa ka nalang? Babalik pa ba siya? Nakatingin sa malayo... sa kawalan. Nakatingala at nakatunganga dahil nilalasap mo ang bawat minutong puno ng pagsisisi.

Ngunit nakakatawa talaga ang tadhana. Kung kailan sumuko ka na at handa nang mag-isa sa mga malalamig at madidilim na gabi, babalik siya upang pawiin lahat ng iyong luha. Sa kanyang pagdating, lahat ng pangako ng isang taong hindi marunong magdasal ay iyong masasambit.

Salamat at bumalik ang drone kong bagong bili. Leche. Kung hindi ka bumalik, sana pina-raffle ko nalang yung p26,000 para maka-5k subs kami. Hayop kang drone ka! Pampa-stress sa amin.

__________________________________________________

Now that Pasosyal101 is earning from your views, we will be funding our regular giveaways with our YouTube earnings so keep watching those ads!

If you want us to feature the fancy stuff, you can support us by being a sponsor through Patreon: https://www.patreon.com/pasosyal101

YouTube: http://www.youtube.com/c/Pasosyal101
Facebook: https://www.facebook.com/pasosyal101/
Instagram: https://www.instagram.com/pasosyal_101/
Email: pasosyal101@gmail.com
Patreon: https://www.patreon.com/pasosyal101

#Pasosyal101 #DJIMavicMini #DroneFlyAway

Loading comments...