Unboxing: NEW SAMSUNG REFRIGERATOR

4 years ago
8

Fridge or Frigidaire, pwede rin Pridyider. Pero dahil Pinoy tayo, ang Refrigerator ay Ref. Sa dami ng nabili naming mga frozen goods dahil sa lagim na kumakalat sa buong mundo, napabili na kami ng mini chest freezer last month para lang magkasya lahat. Pero dahil nakalabas kami at napadaan sa Abenson sa Shangri-La nung May 19 (3 days after mag-transition from ECQ to GCQ), napabili kami ng isang higanteng Samsung ref worth p38,000 (discounted from p39,999). Mas mahal sa All Home sa Libis (p42,295) kaya mabuti nalang at hindi kami nagmadaling bumili kay Madam Cynthia Villar.

Natuwa rin kami dahil after 2 days, nadeliver na siya. Yun nga lang, naawa talaga kami sa dalawang kuya na nagbuhat from ground floor to 3rd floor. Sa sobrang laki ng bagong ref, hindi siya kasya sa balingkinitan naming pintuan kaya sa malaking bintana dinaan ang buong ref papasok ng bahay. Hindi na namin sila pinag-demo kasi lawit na ang mga dila nila. Pinainom nalang namin sila ng malamig na tubig at pinagpahinga ng kaunti. Kaya tuloy hindi na kami nanghinayang na mag-tip ng p500 sa dalawa.

Anyway, may bago nang tahanan ang mga tira-tirang pagkain namin. Ewan ko ba kung bakit ang sarap mag-imbak ng pagkain sa ref kahit hindi mo naman kakainin. Siguro nanghihinayang lang na mapatapon agad-agad kaya papalamigan muna natin sila sa ref ng mga 1 month. Ang ending, sa doggies at kapag ayaw pa nila, sa basurahan na ang huling hantungan. Ganun din naman kayo, di'ba? Deny pa more.

____________________________________

Now that Pasosyal101 is earning from your views, we will be funding our regular giveaways with our YouTube earnings so keep watching those ads!

If you want us to feature the fancy stuff, you can support us by being a sponsor through Patreon: https://www.patreon.com/pasosyal101

YouTube: http://www.youtube.com/c/Pasosyal101
Facebook: https://www.facebook.com/pasosyal101/
Instagram: https://www.instagram.com/pasosyal_101/
Email: sirenspeaks@gmail.com
Patreon: https://www.patreon.com/pasosyal101

#Pasosyal101 #Unboxing #SamsungRefrigerator

Loading comments...